Hindi alam ni Wonyoung kung bakit, pero talagang excited siyang umuwi sa bahay niya. Yena actually noticed it kaya naman pinapaulanan niya ang best friend niya ng tanong. And the former was just ignoring the latter's questions.
Kasalukuyan silang nakasakay sa tricycle kaya syempre magkatabi sila. While travelling, Yena continued with her funny stories. Pati ang driver natawa. Yena's stories made the whole trip fun and enjoyable. But things must come to an end, kaya nasa harap na sila ng bahay ni Yena ngayon. The older one pouted because Wonyoung still haven't answered her questions earlier.
"So bakit ka nga excited?" Huling bato ni Yena na tanong kay Wonyoung.
Wonyoung heaved a sigh. Mukhang wala siyang choice para sagutin ang best friend niya.
"Beef steak ang uulamin naming mamaya syempre luto ni Tita Tiff. Happy now?" she lied. Ayaw niyang malaman ng best friend niya ang existence nung asong si Eugene este Yujin.
Pero mukhang wrong move ang sinabi niyang kasinungalingan.
Nanlaki ang mga mata ni Yena sa narinig, nakanganga na rin siya to be honest. Halatang gulat na gulat to the point na napasigaw tuloy siya.
"Wonwon tabi! Pupunta ako sa boarding house niyo ngayon din! Miss ko na rin beef steak ni Tita Panini!" Sabi niya habang pinagsisksikan ang sarili niya sa loob ng tricycle. Pinipigilan naman siya ni Wonyoung ngayon.
"Hoy baka hinihintay ka na ni tita sa loob lagot ka!" sabi naman ng ating bida habang pinagtutulakan si Yena para di makaupo sa tabi niya, "Yenyen naman eh antigas ng ulo!"
"Maiintindihan naman yun ni mama basta beef steak muna ni Tita Panini!" pagmamatigas niya.
Nagsisisi na tuloy si Wonyoung bakit beef steak ang idinahilan niya. Eh favorite nga pala iyon ng Yenyen niya.
Sigh.
"Yenatoooy!! Nakauwi ka na pala! Hinahanap ka na ni mama tulungan mo raw siya sa paglilinis!" sigaw naman ng kuya ni Yena habang tumatakbo papalapit sa kanila. "Hi Youngyoung! Kukunin ko na itong kapatid ko ha? Galet na galet gustong manaket yung mamabols namin ngayon eh." He hooked his arm around Yena's neck while smiling at the youngest. Wonyoung smiled back.
Buti nalang talaga. Thank Godjihyo for this wonderful timing.
"Sige Kuya Minmin! Kung pwede wag mo nalang ibalik eh." Biro ni Wonyoung.
"Wonwon!" Angal ni Yena. Tumawa lang si Sungmin sa sinabi ni Wonyoung.
Dumukot si Sungmin sa bulsa niya at inabot ang pera sa driver, "Manong ako na po ang magbabayad sa dalawang to." He turned to Wonyoung's direction, "Uy ingat ka ah? Bye bye!" The two waved at each other. Umalis na ang tricycle pero nakasimangot pa rin si Yena.
"Kuya naman eh gusto ko pumunta kila Wonwon! Ang pangit mo talaga."
"I love you too, sisteret."
"Yak kuya!"
"Hahahaha!"
...
Wonyoung is finally in front of the boarding house. Pumasok agad siya sa loob nang nakangiti. Constantly touching her ring, she walked. Nakakasalubong niya mga boardmates niyang taga ibang school nauna na sa kaniyang umuwi. Hindi sila nagpapansinan kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Excited na excited siyang umuwi kaya nakangiti niyang binuksan ang pinto pero nawala agad ang ngiti niya pagkakita sa loob.
She was there. Standing. Utterly speechless.
BINABASA MO ANG
master | annyeongz [ON HOLD]
Fiksi PenggemarIsang cutie na aso naging isang maattitude na tao!? Hala ano yun? Magic? Teka sandali- medyo cute siya. status ; on-going