May isang oras pa si Wonyoung bago magsimula yung shift niya doon sa convenience store kung saan siya nagtatrabaho. Nasa may gate na sila ngayon at ready na para umalis.
"Hoy Eugene," tawag niya sa kasama. Humarap naman ito sa kaniya para makinig. "Sumunod ka lang sakin ha? Wag na wag kang aalis sa tabi ko habang naglalakad tayo, maliwanag?" Eugene just nodded. "Mas mabuti kung sumunod ka nalang sakin. Pag may nakita kang kakaiba sabihin mo sakin agad ha? Tsaka pagdating natin doon wag kang mag-iingay. Naintindihan mo ba ako?"
"Maliwanag pa sa bolang kristal (A/N: jung charot) master!" Eugene answered.
Sabay silang naglalakad sa daan. Buti nalang at medyo malapit yung convenience store sa boarding house ng tita niya. Kayang kaya lang lakarin. Kahit na mas madaling makarating doon pag sumakay ng tricycle, mas pinili niya nalang maglakad. Exercise na nga, mas makakatipid pa siya, o' san ka pa diba?
Wonyoung realized that they haven't talked about themselves yet. Kahit pangalan pala niya ay hindi niya nasabi sa kasama niya. Naguilty tuloy siya bigla.
"So uhm let's talk about ourselves first. I mean— mag-usap muna tayo sa mga bagay bagay." She spoke.
"Tulad ng?"
"Kilalain muna natin ang isa't isa. Yun yon." And it suddenly became silent again. It kinda annoyed her. "Ako si Jang Wonyoung. Tinatawag akong Wonyoung ng ibang tao." Pagpapakilala niya sa wakas.
"Akala ko sweetie ang pangalan mo eh." Natawa naman si Wonyoung sa narinig niya. "Yun kasi laging naririnig ko kay Tita Tiffany na tawag sayo! Kaya ayun..."
Eugene saw some cars passing by. "Ang galing! Anong tawag don master?" Turo ni Eugene sa mga sasakyan.
"Ahhh tawag jan sasakyan o car sa english." Sagot nito.
"Gusto ko sumakay!"
"Sa susunod Eugene." The latter just glared at her master's response.
"Andito na ako sa mundo niyo kaya tawagin mo nalang akong Yujin, master." Eugene spoke.
Hearing her companion's words she just sighed. Ayaw na niyang makipagtalo kay Eugene dahil sa pronunciation o punyetang spelling ng pangalan nito kaya hinayaan niya nalang.
"Oh sige bahala ka, Yujin." Wonyoung just rolled her eyes. Hearing her master, Eug— Yujin felt happy so she smiled. Even her eyes are already smiling. If only she had released her tail maybe it's wagging real hard right now.
"Ilang taon ka na, master?" tanong niya. Buti naalala niyang tanungin ang master niya tungkol rito. At umaasa siyang magka-edad lamang sila.
"Matured na ako! I am already 18 years old! I mean— argh ang ibig kong sabihin, labing-walo na ako." Wonyoung proudly said. Taas noo niyang sinabi ang edad niya dahil sa wakas nasa legal age na siya.
"Anong ibig sabihin ng matured?"
"Ibig sabihin non may isip ka na."
"Kung ganon, kapag ba hindi pa nasa labing-walo ang edad mo ibig sabihin wala ka pang isip?"
"Hindi ganon! Ang sinasabi ko rito, kaya mo na ang sarili mo. Kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Ganon yon."
"Kung ganon, gumagapang pa ang mga tao rito kapag hindi pa sila labing-walo?"
"Hindi gano—"
"Joke lang uli, master." Natatawang sabi ni Yujin.
"Hmp! Basta kapag 18 ka na matured ka na." Inis na sabi ni Wonyoung.
BINABASA MO ANG
master | annyeongz [ON HOLD]
FanfictionIsang cutie na aso naging isang maattitude na tao!? Hala ano yun? Magic? Teka sandali- medyo cute siya. status ; on-going