•18•

408 40 51
                                    

Days after the incident outside the cafeteria, lalong umingay ang pangalan ni Wonyoung sa buong school.

At syempre, lalong dumarami ang mga nambubully kay Wonyoung.

Hindi na nasurpresa si Wonyoung. Dahil sa ginawa ni Yujin sa kaklase nila siguradong aatakihin sila ng fans nung annoying nilang classmate.

At syempre rin, Yujin defended the younger from all of them. Naging bodyguard na yata siya ni Wonyoung eh.

Minsan magkasama sila ni Yena sa pagtatanggol sa kaniya. Minsan si Yujin lang mag-isa. Nagmukha na tuloy silang mga guards na hindi pinapayagang masaktan ang reyna nila mula sa mga kalaban.

Thankful naman siya kasi may friends siyang katulad nila Yena at Yujin na gagawin ang lahat para lang hindi siya masaktan.

Pero umaasa rin si Wonyoung na hindi nila hahayaang saktan ang mga sarili nila.

Tulad nalang nung nangyari sa may garden nung isang araw. May nambully sa kanila. Sa inis ni Yujin muntik na niyang masira yung kawawang puno dahil sa suntok niya.

Tapos may kumalat na chismis na kesyo si Yujin raw anak ng isang demonyo o anak ng mafia leader. May mga sinasabi rin na isa siyang deliquent or gangster.

Wala na tuloy lumalapit sa kanila after that.

Weeks later and for the first time ever, Wonyoung's high school life became peaceful as hell.

(Kahit na ang dahilan kung bakit tumigil ang pambubully dahil takot sila kay Yujin)

Wonyoung can't help but sigh.

"Wonwon, pansin mo?" biglang tanong ni Yena na nakapagbalik sa reyalidad si Wonyoung, "Medyo hindi na ganun kataba si Tabs." sabi niya sabay subo ng cake na bili niya. Himala kasama nila si Yena ngayon at hindi siya doon sa jowa niya.

Mukha yata silang may LQ to be honest pero hayaan nalang raw sila.

(Marupok kasi sila sa isa't isa)

"Talaga? Parang hindi naman Yenyen eh. Chubby and cute pa rin naman siya ah." Sagot ni Wonyoung. Hinihintay kasi nila si Yujin kasi siya ang inutusan ng teacher nila na dalhin yung papers sa office.

"Kaya nga. Chubby pa rin. Pero alam mo yun?" Yena held her chin and looked above like she's thinking something, "Yung uhmmm she kinda lost some weight?"

"Parang hindi naman eh."

"Eh kasi lagi niyo nakikita ang isa't isa. Mantakin mo mula umaga hanggang gabi, paggising hanggang pagtulog kita mo pa rin pagmumukha ng tabachoy na yun? Hindi na kayo nagsawa eh." Alam na ni Yena ang tungkol kay Yujin na nakatira kay Wonyoung. Sinabi na ni Wonyoung sa best friend niya kasi malalaman niya rin naman kalaunan. Pinaaga niya lang raw.

(Pero hindi niya pa rin sinabi ang big secret nila ni Yujin kay Yena)

"Inggit ka lang kasi lagi ko kasama yung 'Tabs' mo eh." Wonyoung said, emphasizing the cringey callsign, "Anyways, antagal naman ng Tabs mo, Yenyen." dagdag niya pa na may bahid ng pang-aasar.

"Tangina mo inggit ka lang kasi wala kayong callsign na dalawa." Bubuka pa sana bibig ng best friend niya para sumagot pero pinigilan lang siya ni Yena, "Oops bawal ang pfft- master na callsign dito. Dapat yung kayo lang talaga dalawa hindi yung isa lang sa inyo may tawag ano ka ba."

"Hmpf!" tumayo naman siya kaagad, "Hanapin ko nalang muna si Yujin baka nawawala eh." when she turned around she felt a body collide with hers. Wonyoung bowed immediately and apologized.

Yena was shocked by what she saw. She could not speak.

The woman who collided with Wonyoung was none other than Kim Chaewon.

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon