"Ano ba iyan ang bantot naman sa lugar na ito! Ang baho!"
"Ang ingay mo talagang bubwit ka."
"Ano ba naman yan, Marites! Ansikip sikip!"
"Nasaan na ba tayo? Bakit parang nakakulong tayo?"
"Umusog ka nga! Kita mong ang init init tapos ang baho pa. Hala ano ito?"
"Hmmm. Upuan na may butas na may tubig?"
"Bakit may tubig ang upuan dito? Nasaan na ba tayo ha?"
"Aba anong malay ko!"
"Antanga mo naman Marites! Ikaw nagdala satin dito tapos wala kang alam?"
"Eh kung tumakas na kaya tayo dito sa loob ng kulungan— ah!" Sinipa ni Tomi (Marites) ang pintuan at nasira naman kaagad yon. Tumambad sa kanila ang isang malapad na salamin. Kitang kita nila ang kanilang mga sarili. Nakita niya rin si Narcisa na nakatayo lang don sa loob ng 'kulungan' at hindi makapaniwala sa nakita.
"N-nasaan na ba talaga tayo?" Tanong niya sa kasama.
"Ilang beses ko bang uulitin sa iyo na hindi ko alam kung nasaan na tayo?" Sabi naman ni Tomi kay Narcisa. "Hindi natin malalaman kung hindi natin aalamin kaya't umalis na tayo rito." Dagdag niya pa.
Sa totoo lang, hindi talaga mahilig magsalita itong si Tomi. A woman of few words pa nga. Pero dahil kay Narcisa lumalabas ang pagiging madaldal niya. Nakakainis talaga kasi minsan itong kasama niya.
Minsan lang.
"Mauna ka nang lumabas. Balitaan mo nalang ako dito." Sabi naman nung maliit bigla.
Anong minsan? Lagi pala talaga siyang nakakainis.
"Bahala ka. Iiwan nalang kita jan." Maglalakad na sana siya paalis pero hinawak siya ni Narcisa sa braso niya.
"Oo na sasama na." Halata sa boses niyang wala na siyang choice. Napangiti ng bahagya si Marites.
"Ayun naman pala eh."
Nakalabas na sila finally sa 'mabahong lugar' which is ang restroom or comfort room (CR) lang naman. Hayaan niyo nalang sila. Mga walang alam eh.
Bumulaga sa kanila ang mga puno at mga nakakabinging ingay sa kalsada. Parehas silang amazed sa mga nagtataasang buildings at mga sasakyang tumatakbo. Nakita ni Narcisa ang mga tao sa paligid. May mga nagtatawanan at nagsisigawan.
Teka sandali.
MGA TAO KAMO?
Kinaladkad ni Narcisa si Tomi papasok ulit sa loob ng cr. Bahala na kung mabaho. Tiis tiis nalang daw.
"Tomi! Nasa mundo na tayo ngayon ng mga tao!" Kinakabahang sigaw niya kay Tomi.
"Alam ko hindi ako bulag." Tomi deadpanned, "Eh ano naman ngayon? May kakayahan tayong maging mukhang tao. Masyado ka lang nerbyosa. Iwan na talaga kita jan may hahanapin pa ako."
"Teka sandali!" The taller one faced Narcisa with her extremely bored look, "Pano nga uli yung maging mukhang tao?"
Parang gusto tuloy ni Marites mambugbog ng kapwa niya ngayon.
Pero eto sila ngayon, magkasamang naglalakad. Ang awkward nilang tignan sa totoo lang.
"Hoy Narcisa Korina." Tawag ni Marites sa kasama niyang pinagpapawisan na sa nerbyos. "Hoy!"
"Ano ba? Nakakainis ka na ah!" Sabi niya bigla. The other one just scoffed. At siya pa raw talaga ang sinabihan ng nakakainis.
"Alam ko kanina pa talaga ako nagtitimpi sayo ha."
BINABASA MO ANG
master | annyeongz [ON HOLD]
FanfictionIsang cutie na aso naging isang maattitude na tao!? Hala ano yun? Magic? Teka sandali- medyo cute siya. status ; on-going