•16.5•

395 44 30
                                    

"Explain."

Napalunok si Yena sa sinabi ng best friend. Nakakatakot kasi na may dalawang higanteng nakatingin sa kaniya ngayon. Feel niya super liit niya (which is kinda true naman). Grabe ang tingin sa kaniya ng best friend niya. Buti pa itong tropa niyang si Yujin chill lang.

So bakit siya nasa boarding house ngayon?

Simple lang naman.

Kinaladkad siya ng dalawa (utos ni Wonyoung and of course sinunod naman nitong si Yujin) papasok sa loob. Ni hindi pa nga si Yena nakapagpaalam sa girlfriend niya. Buti nalang at nagpaalam sila Wonyoung kay Yuri (may pag bow pa nga silang ginawa). Si Yena lang talaga ang hindi.

Tumawa lang si Yuri sa kanilang tatlo at umalis na.

At eto na ngayon ang kawawang si Yena. Nasa hot seat.

"Ano hindi ka talaga magsasalita? Ganon nalang ba yun? Parang wala tayong pinagsamahan ah?" May pahawak sa dibdib pa ang drama nitong si Wonyoung as if nasasaktan. Maypapahid effect pa siyang luha niya kuno.

"Tangina Wonwon ang drama mo talaga kahit kailan kaya ka hindi nagkakajowa eh— aray ko naman! Ang hilig mo talagang manakit na babaita ka!" Yena caressed her arm which Wonyoung smacked.

"Hmph! Hindi mo na ako love. Hindi mo na ako best friend." she walked to a corner and there he was crying. Wonyoung cried even louder to make her even more guilty. "HUWAAAAAAAAAAAAAAAAH HUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU!" Si Yujin naman na walang alam sa acting skit ng master niya, sinigawan ang nasa harap niya.

"Pats naman! Tignan mo tuloy ginawa mo kay master, sabihin mo na kasi!" sabi niya sabay lapit kay Wonyoung na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Yayakapin niya na sana kaso nagsalita itong si Yena.

"Oo na sasabihin ko na kung pano kami naging magjowa punyeta tama na kakaiyak! Sorry na huhu." Effective kay Yena ang paawa effect ng best friend niya. Halatang nag-guilty na eh.

Wonyoung suddenly stopped crying and then faced Yena with a wide grin. "Talaga? Sasabihin mo na?" Natulak niya tuloy si Yujin at tumakbo papalapit kay Yena, marahang hinawakan niya ang magkabilang balikat nito.

Ang scary tuloy ng aura na nakapaligid kay Wonyoung ngayon. Dagdag mo pa yung evil smile niya.

"Syempre joke lang." Biglang bawi ni Yena nang marealize niyang hindi naman pala talaga ito umiyak. Pero mukhang wrong choice ang sinabi niya kasi lalong lumapad ang nakakatakot na ngisi ni Wonyoung.

Lagot.

"Ah ganon ba? Okay fine." Still wearing her creepy smile, she called Yujin. "Yujin, gusto kong itali mo si Yenyen sa upuan niya. Bantayan mo ha? Make sure na hindi siya makakatakas." Utos niya sa kasama niyang chubby. Sinunod naman siya ni Yujin agad.

Nagp-panic na tuloy si Yena.

"W-wonwon saan ka pupunta teka— sandali Wonwon!" Pagpupumiglas niya kay Yujin. Napamura tuloy siya dahil sa lakas ng babaeng ito.

Wonyoung slowly walked towards the door. And before she finally left she spoke again.

"Mukhang need mo pa kasi i-torture. Kukunin ko lang yung secret weapon ko kay Tita Tiff." She beamed at the both of them. "Bantayan mo siyang maigi, Yujin ha? Ciao!" and she finally closed the door.

Silence.

"Pasensya na Pats, nautusan lang. Sana kasi nung una palang sinabi mo na kay master." biglang sabi ni Yujin.

Hindi alam ni Yena kung paano at kelan siya initali nitong kasama niya ngayon. Napaisip tuloy siya kung magician itong si Yujin. She saw how her eyes flickered.

master | annyeongz [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon