Napapikit ako nang mariin dahil sa nakakabinging ingay ng nagwawalang kalikasan. Sobrang sama ng panahon ngayon. The clouds are totally dark which scoping the place with its darkness.
Malakas din ang hanging humahampas sa bawat sanga ng mga puno na siyang nakakadagdag ng ingay.
I was trapped sa waiting shed. Walang dumadaang bus o kahit na anong sasakyan. Naging polkadot na ang design ng sapatos kong kanina lang ay puti dahil sa mga talsik ng putik.
I have to commute at walang allowance for one week.
Naiirita tuloy ako kapag naiisip ko ang pesteng lalakeng yon.
Eh hindi ko naman kasi kasalanan na mahulog ang lalakeng yon sa hagdan. Nakakainis. Pinatawag ba naman yong parents ko ng dean namin. Saktong dumating si Dad galing business trip, edi shoot. He was very disappointed na lumaki raw akong ganito.
And as a punishment, no car, no money.
As I've said hindi ko nga kasalanan. I accidentally pushed that worm because someone's pushed me from the back
kaya naitulak ko rin ang pesteng yon.Nakakainis talaga.
Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malakas na hangin. Sobrang lamig pa naman ngayon at tanging uniform lang ang suot ko.
Hindi ko na talaga kaya.
Hinalungkat ko ang bag ko to look for my phone.
Bahala na kung iextend ng two weeks tong parusang to.
I'm planning to call our driver para sunduin ako. The thing is kapag ginamit ko ang kotse kahit isang beses lang, the punishment will extend for another week.
Binuksan ko ang phone.
Halos maiyak ako sa nakita.
Dead battery.
It was already dark. Mga streetlights na lang na mala Christmas light na fade in and fade out ang makikita sa di kalayuan. Mabuti na lang at may ilaw rito. Sana lang hindi mag black out.
"Shit!" Napamura ako nang mamatay lahat ng ilaw pati na ang mga streetlights.
Wow wish granted talaga. Napakapa kapa ako. Wala na akong makita. Everything was black-darkness.
Hindi ko na napigil ang maluha.
"Mommy" I groaned.
I'm really scared.
Nakakatakot mag isa.
Ngunit kasabay ng pagguhit ng ilaw na dulot ng kidlat, I saw someone standing in front of me.
Pigura ng isang lalakeng nakasuot pa ng uniform. He's all wet na halatang lumusong sa ulan.
Kasabay ng pagkurap ko ay ang pagbalik ng kuryente. Now it's all clear.
"Who are you?" I asked.
Sa sobrang lakas ng ulan na mala bagyo na, sino pa ang maglalakas loob na pumunta sa isang waiting shed?
Imbes na sagutin ako ay lumapit ito sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Sobrang pag aalala ang gumuguhit sa mukha niya.
"Are you okay?" rinig ko ang pag aalala sa tono niya. He wiped my tears using his thumb and I felt his arms around me. "I know you're scared."
Napakagat ako sa pang ibabang labi.
Definitely. I'm really too scared.Nang humiwalay siya ng yakap ay tinignan niya ako nang nakangiti nacpara bang sinasabi ng ngiting iyon na everything will be alright. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko hindi na ako mag isa.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?