Umuwi na kami after the incident. Hindi ko sinabi kila Mommy ang pagkalunod ko. Ang alam lang nila, nagkita kami ng old friend ko that turned to be Thalius and brang me sa vacation house nito. Sinakayan niya naman ang palusot ko kaya nakombinse namin sila Mommy.
Nga pala si Thalius, I left him there habang hinihintay iyong girlfriend niya. Sayang nga at hindi ko man lang nakita.
Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto. Ibinigsak ko ang sarili ko sa kama at ipinikit ang mga mata.
I can still feel the water na sumusulasok sa ilong ko. Arang binabalik balikan ng alaala ko ang pagkawala ko ng hininga.
But what if?
Paano kung nawala nga ako.
What if Thalius didn't found and revived me?
Paano kung isa na lang ako ngayong malamig na bangkay na pinaglalamayan?
Would I be in peace?
Hindi na ba ako oobligahin ni Daddy na magpakasal? Mawawala na ba lahat ang mga problema ko?
Maybe yes? That will all vanish.
Pero paano iyong future ko? Paano iyong mga hanging dapat na lalanghapin ko pa lang? Paano ang mga luhang iluluha ko pa lang?
Masasayang.Because asking for death just to leave all the burdens is like killing also. You're not just killing yourself but also killing the people who loves you. Hindi ko ba makokonsensya na ikaw nasa kapahingahan na habang ang mga taong iniwan mo ay parang paulit ulit na pinapatay? Pinapatay mo using the agony that you gave.
Bigla kong naimulat ang mga mata ko nang may tumawag. Tinatamad kong dinampot amg phone ko tsaka sinagot.
"Hello? Who's this?" inaantok na tanong ko doon sa tumawag.
"Sorry, are you tired?" boses ni Valm.
"Hindi naman masyado" sagot ko.
"You must rest. I'll call you later. Bye. I love you,"
Unti unting pumikit ang mga mata ko dahil sa matinding antok at pagod.
"Honey bunny? Are you still there? Where's my i love you too?"
Humina ang boses na iyon sa pandinig ko at tuluyan nang nakatulog....
...
...
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ikinurap kurap ko pa ang mga mata ko at gulat na napabangon nang mapagtantong it's already morning.
It means, buong araw akong tulog kahapon.
Napahawak ako sa tiyan kong nag iingay dahil sa gutom.
I get up at kaagad na naligo.
Bumaba na ako at naghanap ng pwedeng makain doon. I toasted the bread na nahagilap ko at iyon na lamang ang ipinuna ko sa tiyan ko.
"Manang, nasaan po sila Mommy?" tanong ko kay Manang Laura na kasalukuyang naglilinis sa sala.
"May emergency raw sa kompanya kaya maagang umalis" sagot ni Manang Laura. Tumango tango na lang ako.
Paniguradong mabubulok na naman ako dito.
Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng simpleng fitted dress. Kinuha ko ang wallet ko at ang phone ko. Inilagay ko ang mga iyon sa sling bag na dadalhin ko. Pupunta na lang akong mall since ibinalik na sa akin ni Dad ang mga cards ko.
Isinama ko si Mang Jose to drive for me.
Nang makarating na ay pinaantay ko na lang siya sa may parking area.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?