Prologue

25 2 1
                                    

"Valm, mahal kita. Ramdam kong mahal kita" namamaos na sabi ko. Sunod sunod ang pag agos ng luha sa aking mga mata.

"No Yvon," hinawakan niya ang parehong kamay ko at diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "Hear your heart and then tell me if it's really me." He's smiling pero kitang kita sa mga ngiting iyon ang lungkot at sakit na ako mismo ang dahilan.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Kasi ang puso ko, kapag pinakikinggan ko ito, iba ang isinisigaw. Hindi ang pangalang Valmos, and I hate it.
Ayoko sa puso ko. My mind keeps on choosing Valm pero iba ang pinipili ng puso ko. Gusto kong ipaglaban si Valm laban sa sarili ko mismong puso. Pero mahirap kalaban ang puso, lalo na't may iba rin itong ipinaglalaban. At iyon ang taong hindi dapat. Kasi ang taong 'yon ay may iba nang nagmamay ari.

Laban ng totoong minamahal ko at ng taong gusto ko. Na ang pagdadausan ay sa loob ko mismo.

"See? Hindi mo masabing totoong mahal mo ako," nakita ko ang pagragasa ng mga luha sa mga mata ni Valm. Nanlambot ang tuhod ko dahil doon. I'm hurting the person who loves me at all cost. " Because you don't truly love me. You just love the idea of loving me. Kasi mahal na mahal kita at gusto mo ang ideya na suklian ang pagmamahal na iyon," titig na titig ako sakaniya. Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga palaso ng katotohanan na isa isang tumatarak sa puso ko." And the person you genuinely love is the person who you hated the idea of loving him. Ayaw mong paniwalain ang sarili mong mahal mo siya kasi alam mong hindi pwede. Alam mong komplikado. But the truth is pilit na pilit kang pigilan ang totoong nararamdaman mo. Mahal mo siya na pilit itinatanggi ng isip mo. But your heart, it's always choosing him, right? "

Natulala ako at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Umagos na naman ang mga luha ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at nanuyo ang lalamunan ko. Hindi na lamang palaso kundi para iyong isang bala ng baril na saktong tumama at tumagos sa puso ko. His words blown me. Kasi alam ko sa sarili ko, lahat ng sinabi niya ay ang purong katotohanan. Katotohanang patuloy kong hinihiling na sana hindi na lang.

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now