Pareho kaming tahimik ni Valm habang magkatabing nakaupo sa sofa. He's waiting for Dad. Dad will be on a business trip again at sa US na. So magkasama na silang lilipad patungo roon.
Kapuwa kami tahimik at hindi alam ang sasabihin sa bawat isa. Baka iniisip niyang galit parin ako sakaniya. Ako naman, alangan namang ako ang magsorry eh wala naman akong ginawang masama.
Nagkakahiyaan kami kung sinong mag fifirst move.
"G—gusto mo ng maiinom?" utal na tanong ko.
Liningon niya ako nang nakangiti. Maybe he got the guts that I'm not mad anymore.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa hita ko.
"Look Yvon, I'm so sorry. Hindi ko sinabi kaagad sayo dahil alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo. I was scared na kakaonting oras na nga lang ang meron tayo, masama pa ang loob mo. Tsaka don't think na kaya lang ako umuwi dito is for the business only. You're one of the reasons also kasi sobrang namiss kita."
I smiled.
" You don't need to explain anymore. Naiintindihan ko na" I said softly.
Niyakap niya ako. "Akala ko makikipaghiwalay ka na sakin"
"Why would I do that?" natatawang sabi ko. "I love you Valmos Malford 'till the end. Promise" I assured.
"I love you too" I felt his warm lips on my forehead.
"Pero maraming magagandang babae sa US" I pouted. "Baka iwan mo ako pag nakakita ka ng mas better sa akin".
"I won't do that, I promise"
"You won't?" paninigurado ko.
"I won't" umiiling iling pa siya
"Hindi mo ako iiwan? Promise?"
"I won't ever do that. Unless ikaw ang mang iwan"
Napabusangot ako. "I will never leave you" saad ko.
"Pano kung maramdaman mong mas masaya ka sa iba? Hindi mo parin ako iiwan?" nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Why are you asking that?" I asked.
"Yvon?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "If you felt happy with someone else, be happy and tell me okay? So that I'll be ready to set you free " he's staring right directly into my eyes.
Hinawakan ko ang mga kamay niyang nasa pisngi ko. "Bakit mo sinasabi yan? Masaya ako sayo Valm" I smiled sweetly.
Ngumiti siya pero may iba sa ngiting iyon.
He hugged me.
Ilang minuto ang itinagal ng yakap namin. Sana nga tumigil na lang ang oras para manatili na lang kaming ganito at hindi na siya umalis pa. Because after this hug, magiging LDR na ang relationship namin. Wala nang kasiguraduhan pero pipilitin parin. We'll be brave para maging successful ang kahahantungan ng relationship na'to.
Nang humiwalay siya ay tumingin ulit siya sa mga mata ko.
"I will allow you to be with your best friend. Because you're happy when you're with him. Hindi na kita kokontrolin sa kahit anong gawin mong makapagpapasaya sayo" mas lalong lumawak ang ngiti ko. Sa wakas wala na akong aalalahanin.
"Thank you Valm!" para akong bata na tuwang tuwa.
"Let's go?"
Bumaba na si Daddy kasama si Mommy.Valm stood up at inayos ang suot niyang hoodie.
Sumama kami ni Mommy sa Airport para maihatid sila. We waited sa waiting area para hintayin ang time of arrival nila. Medyo maaga kasi kami para hindi sila maiwan.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?