Chapter 10

3 1 0
                                    

Nagmadali akong sumakay ng bus. Hindi raw muna ako maihahatid ngayon ni Valm dahil may aasikasuhin siyang importante.

Sumakay ako sa pinakaunahang upuan. Just behind the driver.

Napansin ko lang ngayon, late na ako pero wala paring masyadong pasahero. Wherein dati naman kapag ganitong oras halos magsiksikan na lahat sa loob.

Gusto ko sanang sabihan na yong driver na umandar na pero baka tawagin akong demanding. Hindi ko naman to sariling sasakyan.

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan at bumuntong hininga bago tumingin sa labas.
Bahala na ngang masermonan nong guard.

Ilang minuto pa ang itinagal nang sunod sunod na ang pag pasok ng mga pasahero.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya nama'y agad ko siyang nilingon.

Si Noel. Suppose to be, babatiin niya ako pero himalang hindi niya ako pinansin. Nagtaka rin ako sa itsura niya ngayon. Mukhang wala siyang tulog dahil sa maga niyang mga mata. Matamlay rin ang mukha niya unlike dati na umagang umaga pa lang makikita mo na agad ang mga ngiti niya at maririnig mo na ang mga biro niya.

Wala rin siya kahapon. Hindi ko siya nakita sa buong campus.

I want to ask him what's the problem pero naalala ko nga pala 'yong sinabi ni Valm.

Sa halip na tanungin siya ay nakinig na lang ako sa music na pinatugtog noong driver. Narinig ko na ang kantang yan entitled 'Bestfriend'.

Nang makarating na kami ay wala siya sa sariling bumaba. Like he didn't saw my existence the whole time, saw everyone's existence.

As expected hindi agad kami pinapasok ni manong guard. Nakatingin lang ako kay Noel the whole time. Sobrang tamlay niya.

Hindi niya ako nililingon o pinapansin man lang hanggang sa makapasok kami sa kani kaniya naming klase.

Mula morning session hanggang sa mga lunch ay hindi ako mapakali. Hindi ako makapag focus dahil I'm still wondering kung anong problema ni Noel. Kung dahil ba sa family? May nangyari kay Kleah?

Pati ako ay tulala na rin na tumungo sa locker.

"Oh sorry" napaatras ako nang may mabunggo ako.

Umangat ang tingin ko. Si Noel. Seryoso siyang nakatingin sa akin. As I stare at his eyes, napansin ko kaagad ang tila may nangyayaring giyera sa mga mata niya sa sobrang gulo nito. Halo halong emosyon na hindi mo na maintindihan kung ano ba talagang nararamdamn niya. But one thing is for sure, he's problematic.

Limang segundo kaming nagtinginan tsaka na niya ako nilagpasan.

Napakurap kurap ako at nangunot ang noo ko. What was that? Is he avoiding me?

Tulala na naman akong nagpatuloy sa paglalakad. Iniisip kung may nagawa ba ako kay Noel. The last time na magkasama kami is iyong sa library. Galit ba siya dahil hindi ko tinapos ang research niya? O baka dahil lang sa problema niya kaya niya ako iniiwasan.

I sighed tsaka umiling iling.
Dumiretso na ako sa locker para kunin ang mga notebook na gagamitin for the afternoon session.

Pagkatapos ay tumungo na ako sa cafeteria for my lunch.

As expected, mag isa akong kakain.

Pumunta ako sa dati kong pwesto after ordering foods.

I was about to start nang may lumapag sa mesa.

Akala ko si Noel pero...

"Valm. What are you doing here?"

He kissed my forehead before answering.
"Hindi kita masusundo mamaya. Tumakas nga lang ako to be with you today"

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now