Mabilis kong sinuklay ang buhok ko nang marinig ang ingay mula sa baba. Kakaligo ko lang kasi. Nag jogger pants lang ako and simple plain white shirt para komportable. Tinanghali ako ng gising dahil napuyat ako kagabi. Binalikan ko kasi ang mga lessons in all subject because for sure hindi ako makaka focus sa pag r'review this weekend because of that worm.
By the way it's already Saturday.
Tinanaw ko kung si Noel na ba iyon. And yes, it was him. He's wearing a men's fitted shorts tsaka oversized shirt na may tsek na maliit sa gilid—nike. May dala dala rin itong backpack na akala mo ay mag hahiking. Medyo basa pa ang buhok niya na halatang kakaligo lang.
Bumaba akong hagdan.
"Hindi mo sinabing dito ka na pala titira" I joked.
"Oo, para libre sa pagkain"
Napa irap ako. Akala mo talaga ang hirap niyang tao.
"Let's go to my room" I commanded.
"Ate huwag po" niyakap nito ang sarili na parang rape victim.
Napangiwi ako.
"Ang kapal mo talaga. Akala mo naman may magnanasa sa katawan mong yan" I looked at him from head to toe na parang nandidiri.
Bigla niya akong hinila at inakbayan.
"Grabe ka talaga sakin" umakyat na kami ng hagdan na hili hila niya parin ang leeg ko. Inaalis ko ang braso niya pero masyado siyang malakas. "San ba dito ang kwarto mo?""Th—there" I coughed kaya inalis na niya ang braso niya.
Hinimas himas ko ang leeg ko. Plano niya atang patayin ako e.
Natanaw ko na lang ang uod na feel na feel na tumungo at pumasok sa kwarto ko.
Sobrang kapal talaga ng mukha.
Napailing iling na lang ako.
Sumunod naman ako sakaniya. Naglilibot libot siya sa buong room. Para bang pinag aaralan ang bawat sulok nito. Hinayaan ko na lang siya.
Tumungo ako sa bookshelf sa may katabi ng pc at kinuha ang mga librong kakailanganin namin. Tambak ako sa libro dahil kapag galing sa dad sa business trip, sangkatutak na libro ang pasalubong sa akin. Hindi siya mga novels but mga books na may connection sa pag aaral ko and of course, karamihan ay tungkol sa business.
Pagkatapos kong makuha iyon ay inilapag ko na sa kama.
Kinuha ko rin muna ang laptop ko para buksan ang Facebook account ko. Saktong pagbukas ko ay nag vivideo call si Valm.
Lumabas ako ng balcony kasi baka mangulit si Noel. Baka magselos na naman si Valm.
Ipinatong ko ang laptop sa ibabaw ng maliit na mesa doon at naupo sa couch na nandoon.
"Hi my honey bunny"
Nangunot ang noo ko.
"Are you tipsy?"
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa ilaw ng neon. He's inside the bar at sobrang ingay ng paligid.
"No" umiiling iling niyang sabi. Pero halatang halata na lasing nga siya.
"Umuwi ka na Valm. Lasing na lasing ka na. Mag taxi ka, baka kung mapano ka sa daan" I said.
"Yes my honey bunny. I love you so much" kiniss niya pa ang screen.
"I love you too" I replied.
"Let's dance, common" napatitig ako sa screen nang makita ang isang babaeng American na hinihila si Valm.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?