Epilogue

5 1 0
                                    

"Ma'am may kailangan pa po kayo?"
Napaangat ako ng tingin. It was my secretary. It's already 10:00 pm na kasi. I have to overtime kasi ang daming tatapusin dito sa company.

Umiling ako.

"Wala na. You can now go" wika ko.

Tsaka na siya tumalikod at umalis.

Namayani ang imgay sa buong opisina. I guess ako na lang ang tao dito.

Napahawak ako sa batok ko nang makaramdam ng pangangalay.

"Overtime?"
Napalingon ako sa may pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Valm. May dala dala siyang coffee. Siguro ay dalawang taon rin kami hindi nagkita. Bumalik siya ng US after na mangyari ang lahat.

"V—valm! hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka pala"
I stood up. Lumapit ako sakaniya upang mayakap siya. "Common, take a seat"

Ipinatong niya sa center table ang coffee na dala niya at kapuwa kami magkaharap na naupo sa dalawang couch.

"So, anong sadya mo?"
I crossed my legs, waiting for his response.

"I want to give you this, personally"
May inilapag siyang papel sa ibabaw ng mesa.

Pinaningkitan ko siya ng mata. He chuckles.

Kinuha ko iyon at kaagad binuksan. Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maiwasang mapatili.
"Oh my gosh. Bakit hindi ka nagkukwento?!"

"I thought you were busy" natatawang sabi niya.

Who would believe na isa iyong wedding invitation?

"I'm super happy for you. You finally found the right one" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Yeah. Kahit nga ako hindi parin makapaniwala. I don't know. I just loved again" masigla niyang saad.

Hindi ko na naiwasang maluha sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko for him.

Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Nagkatinginan pa kami tsaka parehong natawa. He hugged me. "But you will always be my great love, Yvon."

"Stop that. Ikakasal ka na"

I wiped my tears.

"Ano to?"

Pareho kaming napalingon ni Valm nang may magsalita sa pintuan. Napangiti ako nang makita siya. Without hesitation, kaagad akong tumayo para salubungin siya ng yakap. Pero nang yayakapin ko siya ay lumayo siya.

"Explain this to me, you ugly frog"
Nangungunot ang noo niya at seryosong seryoso. Kapag talaga nagagalit siya, hindi niya maiwasang mapa English.

"Yakap muna" I pouted.

Nakita ko ang pag irap niya. Siya na mismo ang lumapit sa akin para yakapin ako. "Now, explain" saad niya sa gitna ng yakap namin.

"He's just inviting me sa wedding niya. Masyado kang seloso, uod"

Nawawala ang pagod ko kapag nararamdaman ko ang warmth ng yakap niya, ang amoy ng pabango niya at ang boses niya. Ito ang pahinga ko.

"Ehem! I think I should go na"
Tumayo na si Valm. "I'm expecting you both on my special day" saad pa nito bago tuluyang umalis.

Pinagmasdan namin si Valm pareho hanggang sa sumakay ito ng elevator.

"Hanggang anong oras ka?" tanong niya.

"I don't know. Ang dami ko pang tatapusin"
Binitawan ko na siya at bumalik na doon sa table para ipagpatuloy ang ginagawa.

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now