Halos maubos na ang laway ko kakasalita at kaka explain. Akala ko nakikinig lang siya kaya tahimik. Pero nong lingunin ko, tulog mantika ang uod. Nakasandal ang ulo nito sa sandalan ng couch habang yakap yakap ang mahabang unan na kanina niya pa hawak.
Napairap na lang ako sa kawalan.
Tinignan ko ang phone ko kung anong oras na ba.
It's already 10 in the midnight.
May mga text pa doon si Valm na isa isa ko namang nireplyan.
Tumayo ako at inayos ang mga ginamit namin. Inarrange ko ang mga libro sa ibabaw ng mesa kasi bukas ang continuation ng pag aaral namin. Isinara ko na rin ang laptop.
Akmang tatalikod na ako nang tumunog ang phone niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Sinilip ko iyon. It was a text from Kleah. His lockscreen photo was a picture of Kleah, smiling.
Nilingon ko ulit siya. Mahimbing talaga ang pagkakatulog nito.
I sighed.
Sana sinabi niyang inaantok na siya para naman sa guest room na lang siya natulog. Malamig pa naman dito.
Kinuha ko ang dalawang unan sa may inupuan ko kanina at inilagay iyon sa may ulunan nitong couch. Dahan dahan ko siyang pinahiga. Aba't hindi parin nagigising. Itinaas ko ang dalawang binti niya sa couch para komportable siyang makahiga at makatulog. Para naman tong patay kung matulog.
Pumasok muna ako para kumuha ng blanket at ikinumot iyon sakaniya.
Nang makita kong ayos na ay pumasok na ako ng kwarto.
Nag warm bathing muna ako. Ilang minuto ang itinagal ko sa loob ng bathroom tsaka lumabas suot ang pajama at sando. I dried my hair tsaka na humiga at pinatay ang ilaw. Hindi kasi ako nakakatulog kapag may naaaninag akong kahit konting liwanag.
...
...
...
Nagising ako dahil pakiramdam ko may nakadagan na kung ano sa legs ko at sa tiyan ko. Ang bigat bigat pa naman.
Paglingon ko sa gilid ko ay nandoon na si Noel. Nakapatong ang braso nito sa tiyan ko at ang binti naman sa legs ko. Mabuti na lang nakakumot ako.
Malalim parin ang tulog niya. Kahit sa pagtulog niya, makikita mo parin talaga ang lungkot sa mukha niya. Nakakunot ang mga noo niya at ang mata niya, kahit nakapikit, kapag tinitigan mo parang iiyak.
Maya maya ay gumalaw siya at umusog patungo sakin. Humigpit ang pagkakayakap niya sakin.
Sinubukan kong gumalaw pero para siyang nilalamig na nakayakap sa isang unan kaya mahigpit ang yakap nito sa akin.
Should I wake him up?
Pero nasan ang manner ko don kung gigisingin ko siya.
Hinayaan ko muna siya sa ganoong posisyon. It's okay with me tho. Wala namang malisya for me. Para ko lang katabi ang kuya ko. We're like close siblings naman.
Medyo madilim pa. It means it's around 4 or 5 am pa lang I guess. Medyo inaantok parin nga ako e.
I closed my eyes slowly. Hindi ko namalayang napaidlip ako.
Kinusot kusot ko ang mga mata ko nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Nakabukas ang curtain from the balcony kung saan pumapasok ang sikat ng araw.
Wala na rin si Noel sa tabi ko.
Bumangon ako at isinuot ang furry slippers.
Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto. It was Noel. May dala dala itong tray wherein nakalagay doon ang milk and breakfast. Pinangkunutan ko siya ng noo.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?