Kanina pa iyak nang iyak si Mommy. Nakaupo siya sa kama habang hawak ang isang kahon na tissue. Habang ako ay inaayusan ng dalawang bakla na siya ring nag ayos sa akin nong graduation ko.
"Mom, stop crying" pag aalo ko.
"I just can't believe na ikakasal ka na. Dati karag karga lang kita" she sniffed at pinahiran na naman ang mga luha.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. My hair was perfectly fixed with a flower crown. Itinagilid ko ang ulo ko para matignang maigi ang itsira ko. It was all done.
I'm still thinking kung magagampanan ko ba ng maayos ang ang pagiging asawa kay Valm. Bubuo ng sariling pamilya, magkakaanak. Hindi ko parin maisip ang sarili ko na magiging ina. Pero nandito na to. Wala akong choice. Parte ang pagiging ina ng pagbuo ng pamilya.
"Akala ko talaga mader si Noel ang groom nitong junkais mo" saad niyong bakla na nag ayos sa akin habang inililigpit ang mga gamit.
I pursed my lips at napayuko.
May mga bagay talaga sa mundo na hindi talaga para sayo. Na hindi nararapat na maging iyo. Kahit na gustong gusto mo, kahit na mahal na mahal mo, kung hindi kayo, hindi magiging kayo. Hindi natin pwedeng diktahan ang tadhana na ibigay sa atin ang taong gusto nating makasama. Hindi masusuway. Masyadong malupit at mapanakit.
But still, masaya akong naging parte ng istorya ko si Noel. Masaya akong dumaloy ang istorya ko na may Noel na nagpangiti, nagpatawa at nagpaiyak sa akin. Kahit na hindi siya ang para sa akin.
Hindi ko lang mapigigilang manghinayang. What if mas nauna kaming nagkakilala over sa mga taong unang naging parte ng mga buhay namin? What if tinanggap ko kaagad sa sarili ko na mahal ko siya? Pano kung hindi ko hinadlang ang puso ko? Pano kung tinnaggap ko na lang at inamin sakaniya noong una pa lang?
May pagkakataon pa kaya kami? May chance pa ba sana na magkaroon kami ng happily ever after?
"It's already 7:00 am na anak. Wear your wedding gown na. The ceremony will start at 7:30"
Medyo nahimasmasan na si Mommy. He took a deep sigh at pinahiran ang mga luha. Kailangan niya tuloy i retouch dahil nagkagulo gulo na ang make up niya.Pinasadahan ko ng tingin ang wedding gown na susuotin ko. Mom chose the gown dahil hindi ako maruning tumingin ng damit.
Lumunok ako.
The time I wear that, wala nang atrasan.
I'll be Mrs. Yvollette Noah Meltrix Malford.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Lumingon ako kay Mommy at ngumiti. Tumango tango si Mommy.
Nagmartsa na ako patungo doon.
Akmang hahawakan ko na ang gown nang biglang kumalabog ang pinto dahilan para mapatingin ako doon. Iniluwa niyon ang hingal na hingal na si Kleah.
Nangunot ang noo ko.
Bakit siya nandito.
"Te—teka lang" nakahawak ito sa dibdib habang sumisinghap ng hangin.
Habol ang hininga, lumapit siya sa akin.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko. "I'm so sorry, Yvon."
Ibubuka ko na sana ang bibig ko uoang magsalita. Pero pinigil niya ako. "After how many years, naging selfish ako. I've been too harsh sainyo ni Hyeram""It's okay" pagputol ko rito. The ceremony will start in just a minute kaya wala nang oras for this.
"You have to let me finish first" saad niya.
"Make it fast"
"Hyeram loves you"
I was froze nang marinig iyon. Nagsitindigan ang balahibo ko at umusbong ang kaba sa aking dibdib. Like I want to hear everything that she'll say. Pero kapag ginawa ko iyon, natatakot ako para sa amin ni Valm. Today's our wedding day. "W—why are you saying this?"
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?