Chapter 33

2 1 0
                                    

"Honey bunny? We're here"
Kinurap kurap ko ang mga mata ko nang marinig ang malumanay na boses ni Valm.

Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at pinagmasdan amg mukha niya. "Are you ready?" mamaos maos na tanong ko.

Wala kasi talaga akong magawa sa flight kundi ang matulog lang nang matulog.

Nakangiti niya akong nilingon. Hinalikan niya ang ulunan ko kaya napapikit ako. "I should be the one asking you that" he chuckles.

Umayos na ako ng upo.

Nang lumabas na kami ng eroplano ay kaagad na sumalubong sa amin sina Mommy and Daddy dala ang malalaki nilang ngiti.

Suminghap ako ng hangin ng Pilipinas.

Welcome me back Philippines after the five years.

"Yvon! My baby!" kaagad akong niyakap ni Mommy ng sobrang higpit. She's getting old na.

Pati si Daddy na may suot na ring salamin.

"I miss you so much, Mom," malambing na saad ko tsaka tumungo kay Daddy upang mayakap din ito. "Dad."

Panay lang ang pag uusap ni Daddy at ni Valm nang pauwi na kami ng bahay. Katabi ko si Mommy sa passenger's seat habang sina Daddy at Valm naman ay nasa unahan. What should I expect? Puro business na naman ang pinag uusapan nila.

Tumingin ako sa labas at ipinatong ang ulo sa bintana ng kotse. It's raining. Tumutulo ang tubig mula sa taas pababa sa bintanan nitong kotse.

Marahan ko lamang iyong pinagmamasdan.

It's been five years. Limang taon na ang nakalipas. Marami na ring nangyari. I made many adjustments doon at mas lalong na built ang utak ko. I learned a lot. Kasama sa mga natutunang iyon ang ang isang bagay na akala ko imposible. Pero ganun pala talaga kapag nag mamatured, marami kang maririealise.

Maiisip mo ang mga bagay na ginagawa mo dati. You will just cringe kapag katangahan ang naalala mo. O di kaya nama'y mag isa kang matatawa.

"Magpahinga na muna kayo ni Valm anak. I know you both are tired dahil sa byahe" saad ni Mommy nang makarating na kami sa bahay.

"Sa kwarto ni Yvon ko na ba ipapalagay itong mga gamit ni Valm?" panunukso ni Daddy.

"You're too excited, Paul" pangongontra ni Mommy.

"Opo Dad, " they both looked at me with a confusion. "Sa kwarto na po ang mga gamit ni Valm. Doon din naman po kami tutungo"

Tumingin ako kay Valm. Hinawakan niya ang bewang ko at pinadausdos doon ang kamay niya. He's like showing that he owned me. Well, yeah.

"Hindi ka ba muna matutulog, Valm? Ako super pagod ako"
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

Nakaharap na kaagad si Valm sa laptop niya. Maybe related sa work ang ginagawa niya.

"Napagod ka? You just sleep the whole time, honey, remember?" natatawa nitong sabi pero hindi parin ako tinatapunan ng tingin.

"Ewan ko ba. Pakiramdam ko palagi akong pagod" I closed my eyes.

Naramdaman ko ang biglang paglundag ni Valm sa tabi ko. "Isn't it possible that you're pregnant, my honey bunny? niyakap niya ako mula sa gilid.

Hinarap ko siya at niyakap ang bewang niya. "How would I be pregnant? There's nothing happened yet between us"
Inaantok na sabi ko tsaka naramdamang unti unting bumigat ang eyelids ko at makayulog na nang tuluyan.

Kinaumagahan ay nagising akomg wala si Valm sa tabi ko. Kinapa kapa ko pa siya pero wala talaga. I get up at inilibot ang paningin.

Oh I forgot, nasa Pilipinas na nga pala kami.

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now