Kanina pa ako nag aantay ng uwian. Ni hindi ko na nga maintindihan masyado ang sinasabi nitong PE teacher namin. Basta ang narinig ko lang, nanalo kami sa competition. Last sub na kaya I felt anxious.
Inaya kasi ako ni Valm na lumabas pagkatapos ng uwian namin. Susunduin niya raw ako.
Nang mag announce na ang teacher namin ng dismissal ay nakipagsiksikan na ako doon sa mga kaklase ko sa pinto.
Kailangan ko pang mag ayos. Ayoko namang after how many months naming hindi pagkikita eh dugyot na dugyot parin ako.
Nang sa wakas makalabas ako ay dumiretso na akong ladies room. Naglagay ako ng kaonting cheek and lip tint tsaka pulbos. No need naman sa kilay kase medyo makapal na iyon. Pinanatili kong nakalugay ang buhok ko at inayos ang unform ko. Mabuti na lang tapos na iyong fitness namin at hindi ako uuwi nang pawis.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako ng hagdan. Kinuha ko ang phone ko para tignan kung may text ba si Valm.
"Yvon!"
Hindi ko na nilingon kung sino ang tumawag na iyon kase alam ko namang sa boses palang ay si Noel na.Naramdaman kong sumabay siya sa'kin sa lakad ko.
"May lakad ka ba?" tanong niya.
Sinulyapan ko siya saglit at tumango.
"Aba ano yang nasa mukha mo? Floorwax?"
Pinangkunutan ko siya ng noo."Masyado bang mapula?" I asked consciously.
"Hindi naman. Tama lang. Nagmukhang tao ka nga kahit konte"
Hindi ko pinansin ang pang aasar niya at sa halip ay nagreply sa text ni Valm. Nasa bench raw siya sa may garden. Well hindi naman nakapagtatakang pinapasok siya ng guard kasi dati rin naman siyang nag aaral rito.
"Teka, san yong bracelet?"
Hinawakan niya ang braso ko na agad ko namang inagaw kasi nag titipa ako."Naiwan siguro sa bathroom. Don't worry hindi naman yon mawawala don. " sabi ko nang hindi parin siya tinitignan.
"Sino yang katext mo? Kanina pa yan ah"
Bahagya niyang sinulyapan ang phone ko.Natanaw ko na si Valm na nakaupo at may dalang flowers. May mga kausap siyang siguro ay mga kaklase niya dati.
I smiled tsaka siya tinawag.
"Valm!"
Nakangiti niya akong nilingon.Nagpaalam muna siya sa mga kausap niya tsaka lumapit sa'kin.
"For you"
He handed me the flowers.Nag init ang mukha ko at kinuha iyon.
"Oh by the way this is Hyeram Noel, a friend of mine" pagpapakilala ko kay Noel na sa ngayon ay nangungunot ang noong nakatingin kay Valm.
"Hey"
Bati ni Valm pero tumango lang si Noel. Atitod ka boi?"Mauna na ako. Punta pa ako kay Kleah eh. Ingat na lang kayo"
Ginulo gulo niya ang buhok ko bago siya tumalikod at umalis.Inayos ko naman ang ginulong buhok ni Noel habang si Valm ay sinundan ng tingin si Noel.
"You two seems so close" saad ni Valm. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school.
"Not really" I respond.
"Does he likes you?"
Gulat akong napatingin sakaniya nang itanong niya iyon. Why did he just asked?"Nope. He had a girlfriend already" kaagad na sagot ko.
"Then bakit siya dikit ng dikit sayo?" ani niya na parang hindi gusto ang sa amin ni Noel.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Dla nastolatkówKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?