Tutok ang mata ko sa laptop at nililinis ang ginawa kong reflection paper. Mamaya kasi ay ipiprint ko na ito at isa submit ko na para wala nang problema.
Hindi ko kasi ugaling tsaka lang gagalaw kapag oras na ng submission.
Napalingon ako sa gilid ko dahil may mahinang kumakalabit sa akin.
Inayos ko ang salamin ko at napataas ang dalawa kong kilay sign of 'what' bago nilingon kung kaninong daliri ang kanina pang kumakalabit.
"P—pahiram ng notes mo, may titignan lang ako"
Napalunok ako nang makita kung sino iyon.Hindi siya makatingin ng diretso sa akin na parang pinipilit maging komportable sa harap ko. Better try harder. It was Noel.
"Notes saan?" ibinalik ko ang tingin ko sa laptop at ipinagpatuloy na iniscroll ang gawa ko. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko na hindi ko alam kung bakit. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa panginginig ng kamay ko habang nagtitipa. Wishing that he's not noticing it.
"M—management" nauutal na sagot niya.
Kinuha ko iyon sa bag ko at inilahad sakaniya nang hindi parin siya tinitignan. "Return it before dismissal, I'll be using it later" saad ko tsaka na siya tumalikod para bumalik sa upuan niya sa pinakaunahan. Doon ko na idinako ang mata ko sakaniya kasabay ng pagbuntong hininga.
Napahawak ako sa tapat ng puso ko na unti unti na ring kumakalma.
I bit my lower lip at napapikit nang mariin. Hinilot hilot ko ang sentido ko dahil medyo kumirot iyon dahil sa matinding pagkalito.
No
No
No
Kinabahan lang siguro ako dahil...Dahil...
Bakit ako kinabahan?!
Napailing iling ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Go back to your senses Yvollette. Stop the unnecessary feeling!
"Yvon"
"What?" irita kong nilingon iyon. "Sorry" I apologised nang makitang si Thalius iyon. I thought it was him again.
"Mainit yata ang ulo mo" he sit beside me.
"Sorry I'm just tired" palusot ko.
"Tired?" he chuckles. "Hindi pa nga nagsisimula ang klase pagod ka na kaagad?"
Umirap na lang ako sa kawalan.
Nang mag lunch time na ay nagpaalam sa akin si Thalius. Tatakas daw siya at hindi muna papasok sa sunod naming subject. Hindi naman raw kasi major. May pupuntahan raw kasi siyang importante.
Inayos ko na ang mga gamit ko at naghandang lumabas.
Nagmartsa na ako patungo sa pintuan ngunit natigil ako nang harangin ako ni Noel.
"Pwede bang sumabay?" mabilis na sabi niya. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ako diretsong makatingin sa mga mata niya. May bumubulong sa akin na huwag tignan ang mga iyon.
"U—uhm, may kasama ako" I lied.
Nag give way na siya nang sabihin ko iyon at diretso na akong lumabas. Baka iniisip niyang ayos na ang lahat. Na okay na. Hindi niya kasi naiintindihan. May pride din ako at hindi ko ugaling magpakatanga. Binalewala na nga ng ilang buwan lalapit pa?
"Hey Yvon!"
Hindi ko na nilingon kung sino iyon dahil boses pa lamang ay kilala ko na. Si Kelvin."Napapadalas yata ang punta mo dito sa building namin. May nagugustuhan ka ba rito?"
Diretso lamang ang tingin ko sa dinadaanan."Ikaw lang naman ang pinupunta ko dito"
I raised my brows at hinarap siya. "May gusto ka ba talaga sakin? As in seriously?" kumibit balikat ako.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?