Chapter 21

4 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog kinagabihan. Panay lang ang gulong ko sa kama at iniisip parin ang nangyari kanina.

Paulit ulit na dumadaan sa utak ko ang tanong na,

'bakit siya umiyak?'

'bakit siya umiyak?'

'bakit siya umiyak?'

Gusto ko siyang katukin sa kabilang kwarto pero ano naman sasabihin ko? Kung bakit siya umiiyak kanina?

Bumangon ako at napakamot sa ulo. Ang daming thoughts na umiikot sa utak ko. Una ang kasal, pangalawa ang sitwasyon namin ni Noel at ang curiosity sa pag iyak niya kanina.

"teka nga!" padabog akong tumayo. "Bakit ba ako isip nang isip dahil lang sa pag iyak niya. Baka naman napuwing lang ng sand kaya naluha yong tao. Ang assuming ko talaga" umiiling iling ako na natatawa.

Ibinagsak ko ulit ang sarili sa kama nang mapagtantong para na akong baliw na kinakausap ang sarili.

"Hayst!" padabog ulit akong tumayo at nagmartsa patungong terrace. Minasdan ko kabuuan ng dagat with its wonderful beauty. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga para maikalma ang sarili sa maraming isiping iniisip ko.

Bigla akong napalingon sa terrace ng room ni Noel. Napalunok ako nang makita ko siyang nakatingin din sa akin. Nakapatong ang mga braso niya sa railings at nasa akin ang mga mata. Kanina pa ba siya jan?

Ilang segundo kaming nagtitigan. Parang nag uusap ang sarili naming mga mata dahil hindi namin iyon maiiwas sa isa't isa. Nangyari lamang nang narinig ko ang phone ko na nag ring.
Tsaka ko iniwas ang tingin ko at pumasok upang sagutin kung sino ang tumatawag.

It was Valm.

"Good evening my honey bunny" malambing ang boses na bati niya.

"Same" I answered.

Tumungo ako sa kama upang umupo.

"Natutulog ka na ba? O baka nakakaistorbo ako sa tulog mo?"

"Hindi pa naman" Humiga ako at tumitig sa ceiling.

"How's the vacation? Are you enjoying?"

"It's all... Fine" I bit my lower lip. Alam kong nagsisinungaling na naman ako.

Tumagal ang tawag na iyon ng kalahating oras pero never naming napag usapan ang tungkol sa kasal. Maybe it'll be better kung sa personal namin iyon pag usapan.

Nang ibaba na ni Valm ang tawag ay sinubukan kong matulog pero wala parin. Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang mga problema.

Tumayo ulit ako at lumabas ng room. Medyo tahimik na ang hallway dahil lumalalim na rin ang gabi.

Namalayan ko na lang na dinadala na ako ng mga paa ko sa tapat ng pinto ni Noel. Itinaas ko ang nakatikom kong kamay para kumatok sana pero nauna na niyang binuksan ang pinto.

"Hindi ka makatulog?" bungad niya.

Unti unti akong napatango.

Sinenyasan niya ako na pumasok kaya dumiretso ako sa couch at naupo doon.
Naramdaman kong tumabi siya sa akin.

Ilang minuto kaming kapuwa tahimik bago siya nagsalita.

"I'm sorry"

Nagtataka akong napatingin sakaniya. "Why are you apologising?"

"Kasi nadadamay ka sa problema namin ni Kleah"

"No, Noel. Hindi kayo magkakaproblema kung hindi ako sumulpot" pahina nang pahina ang boses ko kasi alam ko sa sarili kong iyon ang katotohanan.

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now