Chapter 19

4 1 0
                                    

Nag eempake ako ngayon ng mga dapat kong dalhin. I'm so excited kasi isang taon na din siguro ang nakalipas since nag outing kami with the whole family. This will be a part of my graduation celebration. Mag a out of town kami nila Mommy and Daddy. That would be three days and two nights kaya medyo marami ang dala ko.

Mas okay na din ito para malinis ng kaonti ang isip ko. Natapos na sana iyong pressure sa studies, mas malala pala ang darating.

"Sana lang nandiyan ako to be with you" saad ni Valm through zoom.

"It's okay. Pero dapat bumawi ka when you come back" I said.

"Of course, we will have our vacation na tayo lang"

I smiled at him. Hindi ko pa siya natatanong about the wedding. Everytime na itatanong ko kasi, parang umuurong ang dila ko. Ewan ko, hanggang ngayon litong lito parin ako.

Nakatitig lang ako sakaniya. Am I really willing to spend my lifetime with him? With Valm?

"Hey honey bunny, may problema ba? Tulala ka"

Bumalik ako sa huwisyo.

"Hmm oo naman" ngumiti ako tsaka ibinaling ang pansin sa iniempake ko.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok dito. Lumapit ako doon upang pagbuksan kung sino iyon.

It was Mommy.

"Are you all settled?" tanong ni Mommy. "Oh kausap mo pala si Valm" baling ni Mommy doon sa laptop na nasa side table ko. "Did you two talked already about the...."

"Saka na lang siguro po Mom" I cut her off.

Tumango tango naman si Mommy.

"You should hurry na anak. Ikaw na lang ang hinihintay" nagmartsa na si Mommy palabas ng room ko.

Isinara ko na ang maliit na maleta.

"I think I should go na" sabi ni Valm. "Take care honey bunny and call me when you get there. I love you" nakangiti niyang paalam.

"I love you too" mahina kong sabi tsaka isinara ang laptop.

Do I really love him? Is it really a love? Or just an infatuation.

Nagbihis na ako ng isang floral off shoulder dress na hanggang tuhod. And I wore flats.

Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Noel. He's wearing a polo at men's summer shorts. May nakasabit pang sunglasses sa polo niya.

Kinuha niya ang maletang dala ko.

"Are you with us?" nagtataka kong tanong.

"Hindi. Trip ko lang mag outfit ng ganito" pamimilosopo nito.

"Whatever you say worm" inirapan ko siya tsaka na bumaba. Nakasunod naman siya dala ang maleta ko.

Naabutan ko doon si Tita Sophie at ang kapatid ni Noel na maarte. Nakasuot ito ng super short shorts at sando crop top. Halos makita na ang kaluluwa niya sa suot niya. Her skin is flawless tho.

"There they are" saad ni Tita Sophie na mukhang ready na rin.

"Let's all go" saad ni Daddy.

Tatlong car ang gamit namin. The one is for the maids na kasama namin. At ang dalawa ay para samin.

Hindi napaghiwalay si Tita Sophie and Mommy kaya si Nicole ay sumama na kila Mommy. Si Daddy and magdadrive for them.

Akmang sasakay na ako nang makita kong wala nang space. Tinaasan pa ako ng kilay ng malditang kapatid ni Noel.

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now