"Next week will be our final exam. So mag aral para makabawi para sa mga mababa niyong Grades. Malapit na kayong umalis sa school na ito so better try hard kahit sa huling exam niyo man lang" salaysay nong teacher namin sa unahan habang inaayos ang mga gamit niya. "That would be all, you may now dismiss."
Nakapangalumbaba lang ako. Iniisip kung ano ba dapat ang una kong unahing pag aralan. Habang ang mga ibang kaklase ko naman ay nag uunahan nang lumabas ng classroom. I'm waiting na maubos muna sila bago ako lumabas. I hate crowd.
"pst!" napatingin ako sa may bintanang katapat nitong inuupuan ko.
I arched my brow nang makita doon si Noel na nakasilip.
"What?" maarteng tanong ko.
"Balak mo bang tumira jan?"
Napalingon ako sa may pinto. Ngayon ko lang napansing nakalabas na ang mga kaklase ko at ako na lang ang natitira sa loob. Tsaka na ako tumayo at isinukbit ang bag.
"Tulungan mo naman ako sa entrep. oh, may mga di kasi ako magets na topics" pakiusap ni Noel nang salubungin ako nito sa pinto.
Di ko siya nilingon at patuloy lang na naglakad. Sumabay naman siya sa akin."Alin ba dun?" I asked.
"Lahat"
Napataas ang gilid ng pang itaas kong labi sa sagot niyang iyon. "Seriously?"
Para siyang asong sobrang amo ng mukha na tumango.
Napabuga ako ng hangin.
I know he's just fooling me. He's not that stupid to not understand kahit isa man lang sa mga topics sa entrep.
"Fine" I rolled my eyes. "Where?"
"Sainyo sana" he answered confidently.
"Bakit samin?" tutol ko.
Napakakapal naman ng mukha niya. Ako na nga magtuturo, sakin pa yung venue.
"Wala akong notes" he pouted.
"Fine" I rolled my eyes again. "Pero wala nang libre ngayon. Anong kapalit?"
Lumawak ang ngiti niya na para bang alam na niya agad ang sagot doon.
Inakbayan niya ako. "Alam ko namang itatanong mo yan eh."
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko dahil napapatingin sa amin ang mga estudyante. Akala siguro nila hindi ko naririnig. PDA daw.
Duh, wala kaming affection noh.
I know where he gonna take me.
"Nga pala. Aren't you going to visit Kleah today?" I asked. Napapansin ko kasing madalang na niyang dalawin si Kleah.
"Wala siya lagi sa mood pag nandoon ako. Kaya ang ending inaaway niya lang ako at pinagtatabuyan" he smiled bitterly tsaka yumuko. Nagsisi tuloy akong tinanong ko pa siya.
"I'm so proud of you" napalingon siya sa akin. "Because despite of those, you never gave up one her. She's too lucky to have you" I said to cheer him up.
"Hindi pwedeng sumuko e"
"Why?"
"Because I promised"
Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos niyang sambitin ang huling litanyang iyon. Mas nagiging seryoso at malungkot kasi ang atmosphere.
Nang makarating kami sa street of foods ay hinila niya kaagad ako patungo doon sa ihawan ni Lola. Syempre libre niya kaya kinuha ko na ang 'as much as I can'. Habang hinihintay naming maihaw iyon ay umalis muna siya para bilhan ako ng milktea. Hindi ko naman siya inaalipin. Alam niya kung pano magbayad ng tama that's why. I'm not asking him for too much tho.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Novela JuvenilKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?