"Kanina ka pa jan ngiti nang ngiti," puna ni Noel.
"May nakakatawa ba sa title namin?"Nasa library kami ngayon. Nagpapatulong siya sa research nila. Nag volunteer kasi ang uod na siya na gagawa tapos ngayon ipinasa sakin.
Napakawalanghiya."Wala" nakangiting sagot ko.
"May label na kayo nong Valmos ano" Pinaningkitan niya ako ng mata na para bang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ko kung magsasabi ba ako ng totoo.
Hindi ako sumagot.
"May label na kayo! Congrats!"
Hinampas ko siya dahil sa ingay niya. Tinignan tuloy kami ng masama nong mga estudyanteng nandito.Pinanlakihan ko siya ng mata. "Huwag ka ngang maingay"
"Okay. Tapusin mo na yan" he crossed his arms tsaka sumandal sa inuupuan niya.
"Boss ba kita?" Inirapan ko siya.
Ginaya niya ang pag irap irap ko kaya muntik ko siyang mabato nitong ballpen kung hindi ko lang naalalang nasa library pala kami.
After a minutes, nangalahati na ako. Wala kaming pasok ngayon every subject kasi nag meeting lahat ng teachers.
Nag unat-unat ako ng braso dahil sa pangangalay.
Nilingon ko si Noel. Tulog na tulog na ang uod. Napakawalanghiya talaga. Ngalay na ngalay na ako tapos siya naka sleeping beauty, ay hindi sleeping handsome.
Sleeping handsome?
Nangalumbaba ako at tinignan siya.
I raised my brows. He's good looking tho. Nakakasuka but yeah, maganda naman kasi si Tita Sophie.
Hindi ko namalayang napatitig na ako sakaniya.
His curls were midnight black, framed by graceful brows. His skin was tanned. Hindi maputi pero hindi rin maitim. He had prominent cheekbones and a well-defined chin and nose. Maninipis ang kaniyang malalambot at namumulang labi. At ang buhok niya naman, kasing itim iyon ng gabi. Desente ang pagkakaayos niyon. Hindi sobrang iksi at hindi rin mahaba. Straight and shiny kaya bumabagsak ang ilang hibla sa may noo niya.
But what he is, what is more beautiful about him comes from deep within. He has the heart of a hard rock—strong and bold. And a soul of a white cottony cloud—neat and soft.
Pano ko nasabi?
It's because, he's so loving, caring and a super humble person. I saw how he loves Kleah so much. He's consistent and loyal. He's a gentleman though minsan sobrang mapagbiro niya. Napakamarespeto niya sa babae.
He's always joking, laughing and smiling kahit na mabigat ang pinagdadaanan niya. I'm so proud of him. He's too strong to handle the hard situations.
I'm so proud that I've met a person like him. He inspires me a lot.
"Baka nakakalimutan mong may Valmos ka na"
Napaiwas ako ng tingin at napalunok nang bigla siyang magising at umupo ng maayos."Kapal ng apog mo" I rolled my eyes.
"Kapal ng apog mo", he mimic me. "Panay titig naman"
Pinangkunutan ko siya ng noo.
"FYI kaya ko lang tinititigan yang mukha mo kasi may pagkakahawig doon sa uod na nakita ko sa may garden, duh. You're so feelingero talaga"
Pananaray ko."Grabe ka naman. Ikaw nga mukhang palaka diyan sa lipstick mo e"
Napaawang ang bibig ko. Did he just say, a frog?
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?