"Good morning"
Ang matamis na boses ni Valm ang bumungad sa akin nang magising ako.Kinusot kusot ko ang aking mga mata at napakurap kurap bago tuluyang dumilat. I groaned nang naramdaman ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak iyon na hindi ko maintindihan.
"Eat your breakfast and drink your medicine. It will lessen your hangover, honey bunny"
Tinabunan ko ang mukha ko. Hindi pa ako naghihilamos. Baka may muta pa ako. Nakakahiya.
"Don't hide. Maganda ka parin kahit anong itsura mo" saad nito tsaka inalis ang unan sa mukha ko.
I pouted which made him smile.
"Common, get up"
Inalalayan niya ako na makaupo.Ang sakit talaga ng ulo ko.
"Anong nangyari kagabi?" tanong ko. Wala na kasi akong matandaan kahit na isang detalye. Ang huli kong naaalala ay iyong nakita ko si Valm sa bar.
"Huwag mo nang alalahanin"
Nangunot ang noo ko. May mali sakaniya e.
"What happened to your eyes? Magang maga ang mga mata mo"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinignang maigi ang mga mata niyang pagod at kulang sa tulog. "Are you okay?" I asked.Umiwas siya ng tingin at inalis ang mga kamay ko sa pisngi niya. Kinuha niya ang pagkaing dala.
Akmang susubuan niya ako nang pigilin ko ito. "I can handle" I insisted.
Pinagmasdan niya ako habang kumakain. Pero paminsan minsan ay napapasulyap ako sakaniya. Ngumingiti na lang ako kapag nahuhuli niya akong tumitingin. I'm trying find out kung anong problema niya.
"Nga pala, bakit biglaan yata ang pag uwi mo?" I asked.
"It's because of your dad" he answered kaya napatingin ako sakaniya nang may pagtataka.
"B—bakit?"
Please don't tell that it's about the wedding. I'm not yet ready."May gaganaping masquerade for all the business holders tomorrow and it will be held here so I have to come" he explained.
Napatango tango na lang ako.
After I ate ay naligo ako. Hinihintay ako ni Valm sa baba dahil may pupuntahan raw kami. It may be a date. I don't know. Mabuti na lang talaga wala kaming pasok ngayon.
Medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko dahil sa gamot at nakatulong rin ang pagligo ko.
Nang handa na ako ay bumaba na ako. Naabutan ko doon si Mommy at si Valm na nag uusap. Hindi ko marinig ang usapan nila dahil parang kapuwa lang sila nagbubulongan.
"I know, I know"
Tinatapik ni Mommy nang mahina ang balikat ni Valm like she's comforting him.Nang mapansin ni Valm na nandoon na ako ay nakita kong tumalikod siya saglit upang pahiran ang pisngi.
Nangunot ang noo ko. "Valm, are you crying?"
Lumapit ako sakaniya.Iniwan na din kami ni Mommy.
"Hey" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Nakayuko lamang ito at hindi ako tinitignan. "Is there any problem?"
Nang marinig kong suminghot siya ay doon ko na naconfirm na umiiyak nga siya. I hugged him at hinimas himas ang likod niya.
Feeling ko tuloy naging selfish ako. I've been focused on my own problem at hindi man lang naisip na may Valm pala. Nandiyan pala siya. He's been always there for me. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako nag iisa sa lahat ng pagkakataon. Pero ako hindi ko man lang naparamdam sakaniya iyon. Palagi akong naka focus sa sarili ko. Nalilimutan kong may boyfriend din pala akong dapat asikasuhin. I've been unfair all through our relationship.
YOU ARE READING
When Heart Calls Love
Teen FictionKapag ang puso mo na mismo ang tumawag sa pag ibig, handa ka bang pakinggan ito kahit na ang kapalit ay matinding kapighatian?