Chapter 25

5 1 0
                                    

"Yvon I'll go first. May urgent na nangyari daw" aligagang paalam ni Thalius tsaka mabilis na umalis.

Inayos ko ang mga gamit ko at inarrange iyon sa bag. Isinukbit ko na pagkatapos at inayos ang salamin ko bago nagmartsa palabas.

"Hey Yvon"
Napatingala ako dahil may sumabay sa akin. It was Kelvin.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lamang na naglakad.

Agad kong kinuha ang ohone ko nang mag ring ito. Tumatawag si Mang Jose.

"Hello?"

"Ma'am pasensya na ho, nasiraan po ang kotse"

I sighed. "It's okay manong, I can commute naman" mahinahong sagot ko.

Naglakad na ako papalabas ng gate. Nakasabay parin sa'kin si Kelvin. Hindi ko alam kung anong sadya nito.

"Why are you keep on following me?" irita kong tanong.

Ngumisi lang siya at umiling iling.

"I want to be with you? Maybe" kibit balikat na sagot nito.

Napapikit ako. "Why?"

"Because I like you"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "I have a boyfriend"
Tinalikuran ko siya tsaka patuloy na naglakad.

"I'm good at stealing"
Nangunot ang noo ko at nag init ang ulo ko.

"Kung inaakala mong mapaglalaruan mo ako just like what you did with those other girls," turo ko doon sa kababaihang nakapaligid na naman sa amin. "Pwes maling tao ang natitipuhan mo" madiin na sabi ko.

Hindi ko rin matukoy kung saang parte ba ang nakakabaliw sa Kelvin na ito. Ang alam lang naman mag papogi.

Ngumisi ito. "I can make the wrong into the right one"

Napataas ang isa kong kilay. Talagang hindi talaga siya magpapatalo.

"Well" I smiled sweetly. "Let's see then"
I flipped my hair tsaka na siya doon iniwan.

Panay ang irap ko habang naglalakad palabas. Nang tuluyan akong makalabas ay pumara ako ng taxi.

"Manong sa may church po" saad ko.

Pupunta ako kay Lola since it's been a very long time na hindi na ako nakakabisita roon. I think wala naman doon si Noel kasi last ko siyang nakita is noong last subject namin.

Nang makarating na ay excited akong naglakad patungo roon. Wala namang nagbago sa lugar except lang sa dumami ang mga tindahan.

I smiled nang makita doon si Lola na masiglang pinagsisilbihan ang mga costumers nito.

Lumapit na ako doon. Hindi niya ako napansin noong una kasi medyo siksikan.

Nang makaalis na ang lahat ng bumili ay malaki ang ngiti kong tinignan siya.

"Ineng, bibili ka ba?"

"Nakakatampo naman po kayo" I pouted.

"Yvon! Ikaw pala yan" tumawa si Lola kaya lumabas ang iilan niyang mga ngipin.

"Ako nga ho"

"Dalagang dalaga ka na" masiglang sabi ni Lola.

"Lahat naman po tumatanda" natatawa kong sabi tsaka kumuha ng isaw na matagal na hinanap ng panlasa ko.

"Nasaan si Hyeram? Hindi mo kasama?"
Napahinto ako at napakagat sa pang ibabang labi.

"Hindi po" mahina kong sabi.

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now