Chapter 6

4 1 0
                                    

Simula ng araw na iyon, I kept myself away from Noel. Siguro one week na kaming hindi nagkikita. Minsan nakikita ko siya pero ako na ang umiiwas. Every lunch, nakikitable ako kahit na hindi ko kakilala para hindi siya makasabay.

Ayoko namang maging dahilan ng stress ni Kleah. Tsaka I'm just a stranger na bigla bigla na lang sumulpot sa buhay ni Noel. I don't want to ruin what they have before.

"Dismiss" nakabusangot na saad nong teacher namin sa philosophy.

"Proceed to the gymnasium now! " sigaw nong choreographer namin habang ipinapalakpak ang mga palad upang makuha ang atensyon naming lahat.

Bukas na kasi ang laban at talagang pinaghahandaan na namin. We have to win in order to fulfill our teacher's expectation.

Mga walang ganang tumayo ang lahat including me. Pagkatapos mapagod ng mentally, physically naman. Kani kaniyang palit ng P. E attire kami. Alangan namang todo sayaw kami habang naka palda.

After I changed mine, dumiretso na ako sa gymnasium.

Nandoon na ang iba naming kaklase. I sat in the nearest bench na malapit sa grupo ng section namin.

Nandito rin ang ibang section. Pati ang kila Noel. For sure matindi na din ang paghahanda nila.

Medyo nataranta ako pero hindi ko pinahalata nang makita si Noel na papalapit sa pwesto ko.

Gosh pano ko siya iiwasan?

Nagkunwari na akong hindi siya nakita pero nilapitan niya parin ako.

"Long time no see," sinundot niya ang tagiliran ko kaya napausog ako. Naupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay itinuon ang tingin sa cellphone na hawak ko na pabalik balik din ang pindot sa apps and home. "Sungit natin ngayon ah, meron ka ba?"

Hindi ako nagsalita.

"Pwede ka mamaya? Punta naman tayong street of foods. Palagi ka na lang busy" he said while pouting.

Demanding?

Hindi ulit ako sumagot. Tsaka susunduin ko mamaya sina Mommy sa Airport. Ngayon kasi ang uwi nila from Singapore.

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. "Iniiwasan mo ba ako?" halos magdikit ang mga ulo namin. Nakatingin pa siya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy mint.

Irita kong tinapik amg braso niya. And then handed him my phone para ipakita ang message ni Mommy na nagpapasundo sa Airport.

"Section 1 punta na dito!" sigaw nong choreographer at nong president namin kaya agad akong tumungo doon. Iniwan ko muna ang phone ko kay Noel.

Nagsimula na kaming mag practice. Nakatingin sa amin lahat ng sections kaya medyo naiilang akong gumalaw.

Si Noel naman ay abala sa pagkakalikot ng phone ko. Kumuha pa itong ng earphone. Pinapakealaman siguro ang mga music ko doon .
Pinabayaan ko na lamang siya at nag focus sa ginagawa.

After a minutes, pahinga muna. Section two naman ang sumunod na tumungo sa gitna ng gymnasium. Hindi kasi kami pwedeng magsabay sabay dahil maghahalo halo ang music.

Pawis na pawis akong naupo.

Inilahad sa akin ni Noel ang towel na dala ko.

"Sino si Valm?" biglang nanlaki ang mga mata ko. What the! "Boyfriend mo na iniwan ka?"

Uminom ako ng tubig at hindi siya sinagot.

"Pumunta sa US?" tanong niya pa.

Wait. How did he knew tha—

When Heart Calls Love Where stories live. Discover now