Chapter 44

50 2 8
                                    

"You are eight weeks pregnant, misis. Ang mga naramdaman mo kahapon ay mga epekto lang ng paninibago mo sa pagbubuntis. Congrats sa inyong dalawa."


Malawak ang ngiti ng OB sa harap namin ni Kendric. Mabilis na itinanggi naman ni Kendric na asawa niya ako at napatawa kalaunan ang doctor sa pagkakamali.


It still don't sink inside me the thoughts of being pregnant. I am not mad nor sad with the fact instead I am happy I will be a mother.. na matagal ko na ring pinapangarap.. but not in this time and situation.


Hindi ko pinangarap na maging anak sa labas ang anak ko dahil sa pagkakamali namin. Hindi ko kakayaning makita na ang anak ko ay tatawaging salot sa isang pamilya. I am ready for this but not with this kind of surroundings.


Pumatak ang mga luha ko pagkasakay sa kotse ni Kendric. "Parang ang unfair naman na ibigay ko ang ganitong buhay sa anak ko?" Nakatulala pero lumuluhang sabi ko. "Parang ang sama ko namang ina kung hahayaan ko siyang mabuhay ng walang ama?" Patuloy ko.


Ken looked at me with sympathy and sadness. Parang lahat nalang ng tao naawa sa 'kin. Parang lahat nalang ng tao awang-awa sa kalagayan ko. Hindi ko naman ginusto lahat ng ito, pero bakit parang kasalanan ko na ganito ang nangyayari sa buhay ko.


"How can she grow without a father? Ken? Paano?" Umiiyak na tanong ko, nakatulala pa rin sa labas. Inabutan niya ako ng tissue pero hindi ko iyon kinuha. He leaned near me and wiped the tears that fell on my face.


"You look so pale right now, hindi pwede sa bata 'yan," alalang sabi niya at iniharap ako sa kaniya. "It will never be your fault," mariing sabi niya habang pinupunanasan ang mukha ko. "No one wants that but treat it as a blessing," he said and I nod. 


"I was just afraid.. he or she would end up feeling incomplete.. without a father to teach him or her the values of life dahil alam ko na kahit tatagan ko man ang sarili ko ay hindi ko kaya." Itinikom ko ang mga labi ko nang hindi lumabas ang mga hikbi ko.


Bakit sa lahat ng dapat mangyari.. ito pa? Bakit naman sobrang hirap? Alam kong dulot ito ng mga ginawa namin pero bakit pilit pa rin akong ginagawan ng dahilan para manatili.. kahit hindi naman pwede.


"Shh, tahan na. Look at me," utos niya at ginawa ko naman ito. "I will be the father of your child. Ako ang magiging tatay, anak ko 'yan. Dugo ko 'yan at hindi kay Gavin, maliwanag ba?" He said.


Lalong pumatak ang mga luhang kanina ko pa tinatago. With his words, I felt the cloud of comfort na hindi ko alam bakit ko nararamdaman. Hindi pwede dahil hindi naman tama.


"Y-you can't be.. how about you? Hindi habangbuhay ay kargo mo ako.. at hindi habangbuhay ay nandito ka sa tabi ko," sabi ko at napakagat sa labi ko. 


"Pwede, desisyon ko 'yon," mariing sabi niya at tinignan ako nang seryoso. "Kapag kinasal sila, babalik din sa dati.. walang makakaalam na anak ni Gavin 'yan." He tried to tap my shoulder making me calm. 


"S-salamat," nauutal na sabi ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na saya. "Thank you for being here with my downfalls and being here when I need you.. I don't know where I would be without you.. hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung walang tutulong sa 'kin," sabi ko, pinipigil ang hikbing nais kumawala sa 'kin.

Escape from Reality (Realto #1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon