Chapter 11

104 7 9
                                    

@olirivera: feel ko rin


Pinigilan ko ang ngiti sa labi ko habang kinakagat ang labi ko. Nag-init ang mga pisngi ko sa reply niya.


"Gusto mo 'ko?" I replied with a voice mail. I chuckled with the realizations of mine.


@olirivera: ewan. bahala ka. bye.


Nagmaneho nalang ako at nakarating naman ng ligtas sa bahay. Pagpasok ay naratnan ko si Mama na kasama si Kuya. Mukhang nagkasagutan sila dahil galit ang mukha ni mama.


"Ginawa ko ang lahat para sa'yo pagkatapos ito lang ang isusukli mo? You want to stop schooling?!" Mom said with furious eyes.


"Ma, hindi ko ginusto na gawin mo 'yon. I lose friends because of you," dabog ni kuya at bumalik sa kwarto niya.


Mom saw me witnessing their fight at nilapitan n'ya ako. I can see anger and disappointment on her eyes.


"Don't mind us," she smiled. "Natapos n'yo ba ang ginagawa n'yo?" She said while caressing my shoulders. I nodded at tinignan siya with concerned eyes.


"Ma, okay ka lang? You seem to be so distracted this past few days," sabi ko habang hinahawi ang buhok n'ya. She looks tired and exhausted.


"Oo, anak, okay ako. Ikaw nga dapat ang tinatanong ko kung okay ka lang," she smiled at me. I know she's hiding something on me with that smiles.


I kissed her forehead. "I love you, Ma."


She nodded and give me a warm hug. "Mahal din kita."


Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa school. Mrs. Guzman told me that our principal approved the proposal and we can start buying things.


"Yung materyales for the stalls, kailangan na natin mabili. Okay?" I said while checking the files na ipinapakita ni Lian sa'kin. "Tapos, yung mga games na nakalista. I-present n'yo sakin as soon as possible so that makakagawa tayo ng mga paraan," I said. Tumatango lang s'ya sa mga sinasabi ko.


Pagkatapos ko sa office ay pumasok muna ako sa klase.


"Gav, nagawa mo ba yung report natin sa Chem? Mamaya na 'yon," sabi ng kagrupo ko sa reporting.


"Nakalimutan ko Ash, sorry. Fuck," gulat na sabi ko. May report pala ako today sa Chemistry at nakalimutan kong gawin ang presentation. Hindi kase ako nakapagbukas ng group chat kahapon. Damn it.


"Hala! Mamaya na yung report natin," she said with calm voice.


"I'll try to do it in my office. Mamaya pa naman 'yon 'diba?" I said at tumakbo papunta office.


Escape from Reality (Realto #1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon