Chapter 43

41 3 3
                                    

"Sure ka na ba talaga, anak?" 


Mahigpit ang hawak ni Mama sa kamay ko habang sinasamahan ako sa pagiimpake ng mga gamit ko. Kanina pa niya ako tinatanong kung magiging okay lang ako sa pag-alis ko. 


"Oo, Ma," tango ko sa kaniya at ngumiti nang peke. "Hanggang sa matapos na, makakabalik na din sa dati," I assured her as I held her hands to calm her.


"Anak, hindi naman kailangang lumayo ka," she said, trying to stop me kahit na kagabi pa kami nag-aayos ng mga gamit ko.


"Ma, kung hindi ko gagawin 'to, paulit-ulit ko lang sisirain ang pangako ko sa sarili ko, kaya mabuti nang lumayo ako," mariing sabi ko, nahihirapan sa gagawin ko. 


"Anak," mahinang sabi niya. Ang mga mata niya ay nangungusap at parang anumang oras ay iiyak siya.


Isinara ko ang maleta ko at mariing tumingin sa kaniya. "Babalik pa ako, Ma. Huwag mo nalang ipagsabi kahit kanino. Sa inyo lang pati kay Badet ko lang sinabi 'to," sabi ko at napilitan siyang tumango. "Ingatan mo si Brittany, sabihin mo nagbakasyon lang si Ate. Kayo.. ang sarili niyo, ingatan niyo, ha? Babalik pa ako," hinawakan ko siya sa mukha at pinakalma.


"Mag-iingat ka, anak," sabi niya bago ako tumayo. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nakitang magkasama na sina Papa at Brit sa harap ng sasakyan ni Ken. 


"Tumawag ka palagi sa amin, anak," sabi ni Papa at niyakap ako. "Kaya mo 'yan, kilala kita."


Umiiyak na si Mama sa gilid at nakita kong nangingilid na rin ang mga luha ni Papa. Halos maiyak na rin ako pero pinigilan ko ang sarili ko.


"Ano ba 'yan, para namang mag-aabroad ako," iniiba ko ang atmosphere sa paligid dahil sobrang lungkot at baka maiyak ako nang tuluyan. 


Bumaba ako para mapantayan si Brittany na walang kaalam-alam sa nangyayari. She smiled at me like a sweet kid and I caressed her hair. "Be kind to Mama, okay? Magt-trip lang si Ate," sabi ko sabay halik sa noo niya. 


Her innocent eyes looked at me and waved at me bago sumakay sa kotse ni Ken. She makes me hard to leave. 


It's a hard choice for me but it is for the better. Alam kong magpaparaya ako at alam kong gagaan din ang loob ko sa huli nito. Kailangan ko lang ilayo ang sarili ko para sa ikabubuti ng lahat.


Sumakay na ako sa kotse ni Ken habang pinipigil ang iyak ko. Ken looked at me and gave me some tissues. Tinanggap ko naman iyon at malungkot na ngumiti. 


"Tara na?" He asked at dahan-dahan akong tumango habang tinitignan ang papaliit na papaliit na imahe ng pamilya ko. I'll be back, not now.. but soon. After I fixed myself, I'll be back. After everything is on the place they are needed to be.. I'll be back.


"Do you think I am doing the right thing?" Tanong ko habang nakatulala sa daan. Tumingin ako sa kaniya na busy sa pagmamaneho. "Do you think everything will be okay if I will do this?" 

Escape from Reality (Realto #1: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon