'Dexter "Denden" De Villa'
Denden POV...
"Ughh!" Daing ko ng ihagis ako ng Mama na dumukot sa akin kanina, sa isang malamig na semento ako bumagsak
A-ano bang k-kailangan nila s-sa akin!... Wala naman akong g-ginagawang masama sa kanila
Napaupo nalang ako at napahawak sa sumasakit na tagiliran ko, siguradong nag-aalala na ang mga kuya ko.
"A-ano bang kailangan niyo!" sigaw ko sa kanila "Malalagot talaga kayo sa mga kuya ko, k-kapag nalaman nila na sinaktan niyo ako" sabi ko pa
Pero nag-katingan lang sila "HAHAHAHA!!!" at sabay-sabay tumawa
Lumapit naman sa akin ang isa sa mga lalaki at ngumisi ito "Hahaha! Hindi mo ba talaga kami na aalala" sabi nito
Teka!!! Hindi maaari....
"K-kuya Rey" Na uutal at halos na hindi ko makapaniwala na sabi dito
Mas lalong lumakas ang takot ko, at bilis ng tibok ng puso. Hindi maari, makukulong na naman ako kasama nila. M-makakasama ko n-naman sila.
"Magaling!" sabi ni Kuya Rey sabay palakpak "Akala ko nakalimutan mo na kami, diba kami ang pamilya mo HAHAHHA! Ilang taon na ba ang nakaka-lipas dalawa ba o isa, napaka-tagal na pala 'non Denden na miss narin namin ang bunso namin" sabi nito
Nakakarinig naman ako ng mga tawanan ng mga taong kasama namin.
"'Wag mo namang takutin ang panauhin natin Rey" Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang boses na 'yun
Bumabalik na naman sa akin ang lahat, ang mga alaalang gusto ko nang kalimutan. Parang kahapon lang ang lahat.
Mararansan ko na naman ba ang sakit!
Gagamitin ba nila ulit ako!
Sasaktan ba nila ulit ako!
"T-ti-tito, Onald" Halos hindi ako makapag-salita at napa-atras nalang ako pero napahinto ako dahil ramdam ko na nasa dulo na pala ito ng pader
"Kamusta na butuhin kung pamangkin" Madilim nito akong tiningnan, halos nanginig ang buong katawan ko sa takot "Ang laki na ng pinag-bago mo ha" sabi nito at nag-lakad papalapit sa akin
"M-maawa na po kayo" nakaramdam nalang ako bigla ng butil ng tubig na siyang dumadaloy sa pisngi ko
"HAHAHAHAHA!!!" Tumawa lang ito ng pagka lakas-lakas "Maawa! MAAWA!!! HA!" Nagulat ako bigla kaya naman mas siniksik ko pa ang sarili ko sa sulok ng pader dahil sa takot "Naawa ka ba sa amin nang umalis ka! Alam mo bang ang daming nawala na pera sa akin 'non simula nang umalis ka! HA!" Hindi naman ako makatingin kay Tito Onald pero ramdam ko ang galit sa muka nito
"Pagod na po ako!" sabi ko kay Tito Onald "Ughh!!" Daing ko ng makaramdam ako ng sakit galing sa malakas na sampal nito
Napahawak nalang ako sa pisngi ko at umiyak! Lagi nalang siya nagagalit sa akin kapag hindi ko sinusunod ang mga gusto niya, limang araw-na akong sunod-sunod na nag-tanghal sa maraming tao at hindi na kaya ng katawan ko. Marami nang naubos na lakas ko.
"Kung hindi ka mag-tatanghal! Ano nalang ang ipapakain ko sa 'yo!" Sigaw nito at muli ay nakatikim na naman ako ng sampal galing kay Tito "Wala ka talagang kwenta, kagaya ka lang 'din ng ama mo! mga wala kayong kwenta" sabi nito
Napaiyak nalang ako, sa mura kung edad nararanasan ko na ang ganito.
"Tito p-puwede p-po bang m-mag p-pahinga muna ako" sabi ko diton
"HINDI!!" Sigaw nito "Lumabas ka doon at mag-tanghal ka, sa oras na hindi ka mag-tanghal hindi talaga kita papakainin at ikukulong kita kasama ng ibang halimaw dito sa perya!" Mas lalo naman nanginig ang katawan ko dahil sa banta na narinig ko dito.
Kailan ba siya magiging mabait sa akin!
Siya nalang ang natitira kung kamag-anak pero bakit ang sama niya!
Wala naman akong nagawang kasalanan!
"Pero hindi ko na po talaga kaya!" halos mapaos naman ako sa pag-kakasabi dito dahil narin siguro sa uhaw "G-gutom narin po ako at nauuhaw" dagdag ko pa
"Gutom ka! GUTOM KA!!!" Halos mabingi naman ako sa pagsigaw nito
Bigla naman hinawakan ni Tito Onald ang kamay ko at kinaladkad ako, wala na akong nagawa kung hindi sumigaw sa sakit. Inihagis niya ako sa sulok staka niya kinadenahan ang kamay at paa ko, nilagyan niya pa ito ng kandado pa siguraduhing hindi ako makakatakas.
Ganito nalang lagi ang ginagawa nila sa akin kapag hindi ko sila sinusunod, ang gusto ko lang naman ay magpahinga kahit sa sandaling oras.
Kahit isang oras lang na pahinga.
"Hindi ka kakain at hindi ka 'rin iinom" sabi nito at tumayo na "Wala kang kwenta!" sabay dura nito sa akin at tuluyang umalis na
Napahiga nalang ako at napa-iyak!
Kailan ba ako makaka-alis dito!
Dahil sa pagod hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako ng makarinig ako ng ingay galing sa labas. Maya-maya pa ay naaninag ko ang anyo ng isang babae na nag-lalakad papunta sa akin.
Ng nasa harap ko na ito ay ngumiti ito, nakasuot ito ng magandang dress at may puting payong na dala. Umupo ito sa harapan ko at tinulungan ako na makaupo, nagulat nalang ako na hawak niya ang susi ng kandado at pati nadin ng kadena, nakahinga ako ng maluwag ng kinalagan niya ako.
"S-sino p-po kayo" nakatitig na sabi ko dito
Ngumiti lang ang babae at ginulo ang buhok ko "Sumama ka sakin" aniya "Sa lugar ko, makakapagpahinga kana ng malaya" hindi ko malaman na dahilan ay napangiti ako at napa-iyak
Inalayan ako nitong tumayo "A-ano pong pangalan niyo?" sabi ko dito habang nag-lalakad kami papalabas
Tumingin ito sa akin at ngumiti ng pagka tamis-tamis "Lola, tawagin mo akong Lola"
Simula ng araw na 'yun nakaramdam ako ng kalayaan at sa wakas makakapagpahinga narin ako.
"Nakita mo ba 'tong peklat sa pisngi ko" lumapit naman sa akin si Tito Onald at ipinakita ang pisngi niya na may malaking guhit na peklat "Yung babaeng nag-ligtas sa'yo noon siya ang may gawa nito, kaya naman pag-babayarin ko siya, PAGBABAYARIN KO SIYA! alam kung pupunta siya dito para iligtas ka kaya naman bago ka niya uli na makuha sa akin pag-babayarin ko muna siya" Nababaliw na talaga si Tito Onald
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit siya naging kakambal ng tatay ko, magkaiba na magkaiba naman ang mga ugali nila.
Pero paano nalang kung pupunta nga dito si Miss.Lola, wala akong lakas na para ipagtanggol siya.
Takot parin ang nangingibabaw sa akin, wala paring nagbabgo sa akin!
"DENDEN!!!!" Biglang nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sigaw na 'yun
Napatingin ako sa pinanggalingan 'non!, Sina kuya Ouie at Kuya Pinky.
"Sila yung mga kasama mo kanina diba" Napataas naman ang kilay ni Tito Onald "Jewel!"
Hindi! Si ate Jewel, anong ginagawa niya dito!
"Jewel! Turuan mo nga ng leksyon ang dalawang yun" Utos dito ni Tito Onald
Agad naman na tumango si ate Jewel at sinugod sina Kuya Ouie at Kuya Pinky.
BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasyIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!