Chapter = 17

165 15 0
                                    

'When The Stars Starting To Fall'

Olly POV...


"Kuya Olly, ilalapag ko nalang po dito sa lamesa ang pag-kain niyo" Humarap naman ako sa batang babae na nag-dadala lagi ng pagkain ko dito

Tumango ako dito at humiga't tumalikod sa kanya.

"Kuya Olly" ramdam ko naman ang pag-lapit nito sa gawi ko "Miss na po kita, sana makasama ko napo ulit kayo" ang sabi nito at naka-rinig nalang ako ng pag-sarado ng pinto

Tatlong araw na simula ng malaman ko kung ano nga ba ang koneksyon ni Ate Ammee sa kanila at hindi ko naman inaasahan ang mga narinig ko, parang na ko-konsensiya ako sa hindi ko malamang dahilan. Parang nakaramdam ako ng guilt at nahihiyang humarap sa kanila.

Malaki ang nagawang kasalanan ng kapatid ko sa kanila pero hindi ko naman magawang magalit sa Ate Ammee ko, alam ko naman na ginawa niya ang mga yun ng dahil sa akin. Gumawa siya ng desisyon na alam niyang ikahahamak ng na kakarami kapalit ng kaligtasan ko.

Ako ang nakaka-ramdam ng hiya para sa ginawa ng kapatid ko sa kanila, napaka-bait nila sa amin at buong loob nila kaming tinanggap dito sa pamamahay nila. Kaya hindi nila deserve ang mga ganito na tulad namin.

Napapunas ako sa pisngi ko ng tumulo ang patak ng luha dito.

Kaya pala ganito nalang ang trato sa akin ni Claudia, may dahilan din naman talaga siya. Sa akin niya nakikita ang kapatid ko, sa tuwing nakikita niya ako ay laging bumabalik sa kanya ang malagim na gabi na yun sa kanila.

Napatingin ako sa likod ko ng biglang bumukas ang pintuan.

"Pwedeng tumuloy?" Ang bungad na tanong sa akin ni Ms. Lola

Tumango naman ako dito at umupo saka sumandal sa headboard, umupo naman ito katabi ko papaharap sa akin.

"Pasensiya na po" ako na mismo ang unang bumusag ng katahimikan, yumuko ako dahil hindi ako maka-tingin ng diresto dito "Ako na po ang humihingi ng sorry sa kung ano 'man pong nagawa ng kapatid ko" dagdag ko 

Hindi ko namang narinig na sumagot si Ms.Lola kaya naman dahan-dahan ako napa-angat ng muka para makita kung ano ang reaksyon nito, nagulat ako ng makitang naka-ngiti ito sa akin.

Doon ay hindi ko na naiwasan pang umiyak, bakit ang bait niyo po parin. Wala naman itong sinabi at hinayaan lang akong umiyak, halos matunaw ang nararamdaman ko dahil sa ganda ng ngiti na pinapakita sa akin ni Ms.Lola ngayon.

At sa tingin ko hindi ko Deserve ang mga ngiti na 'yun.

"Sa totoo lang" panimula nito "Nagtanim talaga ako ng galit kay Ammee ang batang 'yun niloko kami! pero alam mo Olly sa tuwing nakikita kita bumabalik sa akin ang mga alaala na kasama pa namin si Ammee ang masayahin at makulit na Ammee" Ngumiti ito sa akin at hinawakan ako sa kamay "Nang dahil sa'yo pina-alala mo sa akin na minsan kung nakasama ang mabait, masayahin at makulit na Ammee at sa bawat araw na lumilipas ay nawala ang galit na 'yun at naging pag-mamahal, kaya Salamat ng dahil sa yo na alala ko na minsan ko ring tinuring na anak si Ammee" sabi nito habang hindi parin inaalis ang mga ngiti sa labi

Dahil sa mga narinig ko kay Ms.Lola ay agad akong napaba-likwas at napayakap dito.

"Sorry po talaga" sabi ko habang patuloy parin ang pag-agos ng mga patak ng tubig sa pisngi ko, nakaramdam naman ako ng haplos mula sa likod ko "Pasensiya narin po at iniiwasan ko kayo, nahihiya po kasi akong humarap sa inyong lahat" Umalis naman ako sa pag-kakayakap dito

"Alam mo bang nalaman ko na si Pinky ang nag-sabi pala sayo" sbai ni Ms.lola "Kaya naman pina-alis ko na siya ngayon" nagulat ako sa sinabi niya

"Po!" sabi ko dito "Wala pong kasalanan si Pinky, pinilit ko po siya! Bakit? niyo po siya pina-alis" hindi ko magka-undagagang sabi

A Peculiar's Home (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon