Chapter = 20

247 22 11
                                    

'Girls Night Out'

Olly POV...

DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula noong pag-lalaban namin ni Claudia since then naging maayos na naman ang pagitan sa aming dalawa, napapansin ko 'rin na sinosubukan na nitong maki-salamuha sa amin na siya namang kinatuwa namin. Hindi narin ito ngayon nag-susuot ng malalaking jacket bagkus sina-sanay na nito ang mag-damit ng dress.

Tuloy-tuloy parin ang recovery ko ngayon, although pagaling na ang mga sugat ko patuloy parin ang panggagamot sa akin ni Ms.Lola dahil sa hindi pa fully recover ang katawan ko. Minsan nakakaramdam ako ng inggit sa mga kasamahan ko dito hindi pa kasi ako pwedeng mag-gagalaw kaya hindi pa ako ulit makakapag-ensayo. Nandito lang ako buong mag-hapon sa silid, minsan nililibang ko ang sarili ko sa pag-babasa o kaya naman nanonood nalang ako sa ginagawa nilang pag-sasanay.

Isa pa sa nagpapa-gulo sa akin ngayon ay si Zwei, simula noong araw na yun naging posessive na kasi ito sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit.

Masyado niyang hinihigpitan ang mga bagay na gusto kung gawin, mas mahigpit pa siya mga magulang ko.

Speaking of him

"Nag-lunch kana?" tanong nito sa akin habang tuloy-tuloy na pumasok at dumiresto sa damitan nito.

"Kanina pa" sagot ko at tinuon ulit ang sarili sa pag-babasa, hindi ko na ito tinapunan pa ng tingin dahil mag-bibihis na naman kasi ito sa harapan ko 

Noong una sinasaway ko siya tungkol dito pero lagi niyang dinadahilan na masanay na daw ako kasi lagi na naman daw kami tabi matulog, yes! lagi na kaming tabi matulog pero may unan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko pa pala kaya ang presence niya.

Humiga naman ito sa tabi ko kaya napatingin ako dito "Tapos kana mag-ensayo?" tanong ko dito at tumango naman ito habang naka-pikit "Kamusta? may improvement naba sa kakayahan mo?" tanong ko ulit at doon napadilat na siya at napatingin sa akin 

"Meron naman, kahit papaano" alanganing sagot nito at nakipag-titigan naman ito sa akin kaya ako na unang umiwas ng tingin "Na iilang ka parin ba sa akin?" hindi ko naman maiwasang mapatingin ulit dito dahil sa sinabi nito

Bakit ba pakiramdam ko habang tumatagal lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko!

"M-minsan" pabulong na sagot ko at itinakip ko sa muka ko ang librong hawak ko, pakiramdam ko pulang-pula na ako 

Narinig ko naman itong mahinang tumawa, my ghadd kahit sa pag-tawa ang sexy niya!

"Ang cute mo talaga" walang pag-aalinglangan niyang sabi at doon tuluyan na nga ako nahiya

Hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinasabi niya, tao lang din naman ako.

Ibinaba ko ang librong nakatakip sa muka ko at hinarap ko ito "Pwede ba umayos ka!" pag-susuway ko dito

Pero deep inside, gusto ko talagang sabihin na harutin mo pa ako hehehe!

"May tatanong nga pala ako" pag-iiba ko ng usapan 

"Ano?" nagtatakang tumingin ito sa akin

Huminga muna ako ng malalim bago ko ito tiningnan ng seryoso "Kaya mo ba ito ginagawa, itong lahat ng to! dahil hanggang ngayon ina-akala mo parin na ako si Ate Ammee" mukang nagulat naman ito sa sinabi ko "May nakapag-sabi kasi sa akin na first love mo ang Ate ko" Dagdag ko pa dito 

Hindi naman ito naka-sagot kaagad at bumangon ito at umayos ng pagkaka-upo, seryoso itong napatingin sa akin at nakipag-labanan ng titigan pero hindi naman ako nag-patalo dito. Hinihintay ko parin ang sagot dito gusto ko mismo na sa kanya ko maririnig ang sagot, ayaw ko namang masaktan at maiwan na luhaan natatakot din akong umasa.

A Peculiar's Home (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon