Chapter 8

229 20 2
                                    

'Happy Fiesta'

Olly POV...

"Ngayon lang ako makakapunta ng bayan" ani ko sa  mga kasama ko "Ano ba itsura ng bayan?" dagdag ko pa

"Hindi kagaya sa lugar natin 'mas maraming tao ang makikita sa bayan" sagot naman sa akin ni Ouie

"Marami ka 'rin mabibili, lahat  ng kailangan mo andoon na" sabi naman ni Pinky

Kasalukuyan kami ngayong nag-lalakad papunta sa bayan, kasama ko ngayon sina Miss.lola, Ouie, Pinky at Denden kami kasi ang napili ni Ms.Lola na um-attend sa gagawing padiriwang sa plaza ngayon. Tanging sina Veronica, Claudia at Zwei lamang ang naiwan sa bahay.

Kaya nang malaman ko na isa ako sa mga napili ni Miss.Lola napakasaya ko, first time ko kasi pumunta sa mga ganitong lugar.

"Hindi ka pa ba nakakapunta ng ganitong lugar Olly" tanong naman sa akin ni Miss Lola

"Hindi po, masyado po kasing mahigpit ang mga magulang ko pero alam ko naman na para sa akin ang ginagawa nila" ani ko "Kapag may gusto po akong bilhin o pasyalan sa Mall kami nag-pupunta o di naman kaya sa ibang bansa" dagdag ko pa

"Wow! Ganyan ba talaga kayo kayaman" Namamangha naman na reaksyon ni Pinky 

"Hindi naman" sabi ko "Sa mga magulang ko 'yun hehehe" napakamot nalang ako sa ulo ko

"Ako 'din" napatingin naman kami kay Denden "Gusto ko 'rin pumunta sa ibat-ibang bansa" masayang sabi nito

Napatingin naman ako dito, hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari ng gabing 'yun. Sa kabila ng masayang ngiti ng batang ito, nakabalot naman dito ang isang madilim na nakaraan. kaya humahanga ako dahil matatag siya, malakas siya.

Ginulo ko ang buhok nito at ngumiti "Balang araw, matutupad mo 'din ang pangarap mo" naka-ngiti kung sabi dito "Sinisigurado ko 'yun" ngumiti naman ito sa akin pabalik.

Mula sa nilalakaran namin dinig na dinig ko na ang ibat-ibang pinag-mumulan ng ingay, nagmumula iyun sa mga nag-kakasayahang mga tao at sa tunog ng mga bagay. Malakas din ang tunog na siyang binibigay ng musika at nag-hahatid aliw sa mga tao. Ganito pala kasaya at makulay ang pag-diriwang ng fiesta, sana noon ko pa ito naranasan.

"Tara Denden" Hinawakan ko naman sa kamay ang bata "Mag libot-libot na tayo" sabi ko dito at nauna na kaming nag-lakad sa kanila

Hindi kami mag-kamayaw na Denden sa lugar dahil ang daming magagandang makikita, ang dami 'ring masasarap na pag-kain at magagandang gamit na binibenta. Meron 'din na ibat-ibang palabas at palaro may mga nag-tatanghal at nag-papakita ng kanilang talento. 

Bawat taong na dadaanan namin ay mag taglay na ngiti sa muka, marami 'rin kaming nakakasalubong na masasaya at nag-lalarong bata.

Pakiramdam ko tuloy ngayon ganap na akong kabilang sa mga taong ito na hindi ako na iiba na walang iniisip na pangamba, sana kahit ngayong araw lang ay maranasan kung mamuhay na katulad ng mga taong naririto ngayon sa fiesta. Ang gaan sa pakiramdam kapag alam mong malaya ka at walang iniintinding problema. 

"Kuya Olly, mag-laro tayo 'don oh!" Napatingin naman ako sa direksyon na tinuturo ni Denden

"Hmm-- mukang masaya 'don" sagot ko dito

Pansin na namin kaagad na maraming tao ang nakikisali sa larong ito, mukang masaya nga ito. Buti nalang at kahit papaano ay binigyan kami ni Ms.Lola ng pera na magagamit namin ngayon, masubukan nga ang galing ko dito.

A Peculiar's Home (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon