'Earth Vs Nature'
Ouie POV...
Mabilis naman kami naka-ilag sa ginawang pag-atake ng babae sa amin, umatake pa ito ng umatake sa amin pero mabilis naman namin ito naiwasan.
Mabuti nalang at sinanay kami ni Ms.Lola kung paano makipag-laban.
"Nakakaloka ka ghurl!!!" Rinig kung sabi ni Pinky, tumingin naman ako dito at nakikita ko itong nag-papagpag "Hindi ba p'deng dahan-dahan, ano! gigil na gigil" Hindi ko naman maiwasan na matawa ng mahina dahil kay Pinky
Pero walang biro malakas nga itong babae na ito, mukang gamay niya kung papaano gamitin ng tama ang abilidad niya. May mga kasama pala 'tong dumukot kay Denden na kagaya namin, nag-iisa lang kaya siya. Masama 'to kung lahat sila ay may abilidad na gaya namin baka hindi namin sila kayanin.
Sana mapuntahan na ni Olly si Ms.Lola, sana matulungan nila kami.
"Ako si Jewel" pareho naman kaming napatingin ni Pinky sa babae
"Hindi naman namin tinatanong no!" Hirit naman nitong katabi ko
"Sumumpa ako ng katapatan kay Tito Onald, kaya lahat ng taong kalaban niya ay paparusahan ko" Matapang na sabi nito
Mukang seryoso nga ang labanan na mang-yayari dito, Hinubad ko naman ang t-shirt ko.
"Ahhh! Bakit ka naman nag-huhubad" sabi ni Pinky
"May naghuhubad na lalaki sa harap ni Jewel" napangisi naman ako sa sinabi niya "Bastos! Ka! HIndi ka mapapatawad ni Jewel"sabi pa nito
Itinaas naman nito ang kamay nito at nagulat nalang ako ng biglang lumabas ang mga malalaking ugat at mabilis na patungo sa direksyon namin. Gumamit naman ako ng earth wall para maprotektahan kami ni Pinky.
"Earth Manipulation" Nakangiti nitong sabi
Ngumisi din ako dito "Nature Manipulation" sabi ko din "Pareho pala na makalikasan ang kakayahan natin, hindi nag-kakalayo" dagdag ko pa
"Nag-kakamali ka" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito "Mas malakas di-hamak si Jewel sayo"
Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi, naka poker face lang kasi siya. Hindi ko mabasa ang emosyon sa muka niya, walang emosyon.
"Tskk! Tingnan nalang natin" sabi ko
Itinaas ko ang dalawa kung kamay at inalabas ang malakas na enerhiya sa katawan ko, nakita ko naman na nag-silutangan ang mga tipak ng lupa sa harap ko.
(Author's Note: Yung picture po ay example lang para ma-imagine niyo yung power ng Character na si Ouie. Happy Reading)
"Pinky, ikaw nabahala kay Denden ako naman dito" sabi ko dito
BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasíaIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!