'A night full of stars'
Olly POV...
"Mabuti naman at walang nangyaring masama sa'yo Denden, pasensiya na talaga ha! at wala akong natulong sa'yo" malungkot kung sabi sa batang kausap ko "Hindi 'man lang kita na ipagtanggol sa mga masasamang' yun" hinaplos ko ang buhok nito at mapait na ngumiti."Okay lang po Kuya Olly" Nakangiting sabi nito "Andon naman po sina Kuya Ouie at Kuya Pinky" Dagdag pa nito
"Pagkatapos ng nangyari ikaw naman yung nawala" napatingin naman kami sa kakarating lang nasi Pinky at umupo sa couch kaharap namin.
"Mabuti nalang 'din at hindi ka nalagay sa peligro" Sabi' din nang kakarating na si Ouie, tumayo ito tabi ni Pinky
"Hindi ko naman kasalan 'yun no!" Pag-rereklamo ko dito "Tinawag ko kayo pero hindi niyo ako nilingon, hindi ko naman kasi alam kung nasaan ang shop ni Ms. Lola" paliwanag ko pa.
"Iniisip ko lang po kung ano na nangyari kay ate Jewel" nagtataka naman akong tumingin kay Denden
"Sinong Jewel?"
"Yung nakalaban ni Ouie" Sagot naman ni Pinky "Pero ano na kaya ang nangyari sa babaeng 'yun, sa pagkaka-alam ko kasi hinuli na ng mga pulis yung masasamang taong' yun" sabi pa nito
"Magaling 'din ang isang yun!" komento naman ni Ouie "Mahirap' din kung siya ang naging kalaban niyo" dagdag pa nito
Napa-isip tuloy ako, na ikwento na nga sa akin ng dalawa ang ganapan ng tangkaing kunin ulit ng mga masasamang taong 'yun si Denden at naka-salamuha daw sila ng tao na kagaya namin. Ibig sabihin hindi lang pala kami ang mga tao na nag-tataglay ng ibang kakayahan dito sa mundo, marami 'rin kami hindi kami nag-iisa.
At ang nakaka-lungkot lang kailangan naming harapin ang realidad na may mga tao talagang biniyayaan ng magandang abilidad pero ginagamit sa kasamaan, hindi lang naman sa mga tulad namin pati narin 'din sa mga normal na pamumuhay ng tao. Mararaming tao ang nabigyan ng malalakas na kapang-yarihan maaring sa yaman, sa posisyon sa trabaho o maging sa politika man pero ginagawa nila itong tulay upang makamit ang ambisyon nila. Pero hindi din naman natin sila masisi, malay ba nating may kwento sa likod ng mga kasamaang 'yun.
Lahat naman kasi tayo may pinag-dadaanan may pinag-huhugutan, mabuti kaman o masama.
Ang taning alam lang natin hahamakin natin ang lahat para makagawa tayo ng sulusyon sa problemang iyun, kahit na makagawa pa tayo ng kasalanan.
At nagiging immune na tayo sa ganong paraan, kahit hindi naman dapat.
"Ilan pa kaya ang nasa labas na gaya natin no!" Out of nowhere na nag-salita si Pinky, nakatulala lang ito at direstong nakatingin sa Center table "Ilan pa kaya ang gaya natin na nag-tatago, natatakot, ginagamit, sinasaktan at nag-hahangad ng kalayaan" sabi pa nito at matyaga lang kaming nakatingin dito.
I wonder kung ano 'din ang kwento sa likod na ma-ala rosas na buhay ni Pinky?
"Kaya ang swerte natin at nakilala natin ang gaya ni Ms.Lola" lahat naman kami ay nangiti ng marinig 'yun sa kanya "Hindi ko tuloy lubos maisip na kung saan nalang ako pupulutin kung hindi ko nakilala ang gaya ni Ms.Lola"
Ako 'din, naiisp ko 'rin kung saan nga ba ako pupulutin kung hindi ko nakilala ang mga tao na gaya nila. Kung hindi ako niligtas ni Zwei ng gabing 'yun at kung hindi ako pinatuloy dito ni Ms.Lola, saan na kaya ako ngayon. Aabot kaya ako sa punto na gaya nito, yung nakakangiti at masaya.

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasyIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!