"Halika kana, habang kini-kwentuhan kita isasabay ko na 'rin ang pag-libot sayo dito sa lugar" Sumunod naman ako kay Lola "Makinig ka sa mga sasabihin ko okay!" sabi nito
Sumabay naman ako sa pag-lalakad nito. Maaga palang ay nagising na kaagad ako, kagabi kasi bago ako natulog sinabihan ako ni Lola na agahan ang gising ko dahil sasabihin 'daw niya sa akin ang mga nangyayari.
"Kung gusto mong mag-tanong, pwede ka ng mag-tanong" sabi pa nito
Hindi ko naman maiwasan na ma-mangha sa suot nitong dress na bumagay talaga sa kutis ni Lola at sa naka-bun nitong buhok.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Nasaan po ba talaga ako, anong lugar ito" Tanong ko 'rito
Napahinto naman ito saglit at ngumiting naka-tingin sa akin.
"Ang lugar na ito ay tahanan sa mga kagaya mo, sa mga taong may kakaibang kakayahan sa mga taong may kakaibang abilidad mga espesyal na tao, itinayo ko ang ang lugar na ito simula ng mamatay ang ina at ang kakambal ko" maigi naman akong nakinig kay Lola sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito "Bata palang ako alam ko ng may kakaiba sa amin ng kakambal ko, maagang namatay ang tatay namin at ang ina lang namin ang bumubuhay sa amin, palipat-lipat kami noon ng bahay hanggang isang araw napadpad kami sa bundok, doon na kami lumaki at namuhay ng payapa, habang lumalaki kami doon namin nakikita ang tunay na kakayahan namin ang kakambal ko ay kayang makapag-palit ng anyong hayop samantalang ako naman ay matalas ang pakiramdam, ang sabi ng ina ko ang mga tulad daw namin ay espesyal tulad ng ama namin, pero doon 'din namin nalaman na hindi 'rin pala normal sa isang tao na mag-karoon ng ganitong kakayahan kaya kami palipat-lipat ng bahay, mailayo lang kami ng aking ina sa kapahamakan, pero hindi 'din nagtagal nalaman ng mga taga bayan kung saan kami nakatira sumugod nila kami at tanging ako lang ang nakatakas" Na-antig naman ako sa kwento ni Lola
"I'm sorry po" sabi ko 'rito
Pero tumingin ito sa akin, at ngumiti "Wala ka dapat na ihingi ng tawad, alam kung nangyari iyun sa pamilya ko dahil may dahilan at sa tingin ko ay kayo 'yun" aniya at nag-patuloy ulit kami sa pag-lalakad sa pasilyo "Simula 'non nangako ako sa sarili ko na lahat ng mga katulad natin ay tutulungan at aalagaan ko, kaya tinayo ko itong lugar na ito" sabi pa nito