Chapter = 18

176 16 0
                                    

'The Dragon Vs Fairy'

Olly POV...

"Ohh" Inabot ko naman ang damit na binigay sa akin ni Pinky "Hindi na talaga ako babalik doon sa silid mo, nakakatakot yung mga titig na binibigay ni Zwei" sabi nito at saka naman humiga sa malambot nitong higaan

"Nako salamat talaga ses!" natutuwa kung sabi dito 

"Bakit ba kasing ayaw mo pang bumalik doon sa silid niyo" angal na sabi nito kaya naman napatingin ako dito

"Basta hindi pa pwede!" Pangangatwiran ko nalang dito "Tsaka ayaw mo bang makasama akong bestfriend mo?" dagdag ko pa

Hindi ko naman kasi pwede sabihin kung ano nga ba ang tunay na dahilan, baka mamaya hindi ako nito tigilan sa pang-aasar.

"Hindi naman sa ganon" aniya "Mayroon naman siguro akong karapatan na malaman ang dahilan kung bakit iniiwasan mo si Zwei no!" sabi niya kaya napa-irap talaga ako

"Wala akong sinasabing iniiwasan ko siya okay, ayaw ko lang talaga matulog doon ngayon" sabi ko dito at nag-umpisa nang magbihis 

Hindi naman kami na-iilang kung nag-bibihis kami sa bawat harapan, mag-kaibigan naman kaming dala ehh. Staka sinasabi niya na hindi naman daw kami kumakain ng kapwa isda.

"Siguro may nangyari na sa inyo no!" biglaang sabi nito kaya naman halos hindi ako maka-kilos sa kinatatayuan ko "Oh bakit napahinto ka? siguro tama ako no!" sabi nito at binigyan ako ng nakakalokong ngiti

Pakiramdam ko ang pula-pula ko ngayon! Napahawak tuloy ako bigla sa mga labi ko ng ma-alala ko ang gabing yun! 

Lintek ka Zwei! Ginugulo mo ang puso't isip ko ngayon.

"Nagkaka-mali ka ng iniisip, walang nang-yari sa amin" pangagatwiran ko kay Pinky

"Alam mo Olly muka kalang ghurl pero hindi ka ghurl" at binato naman ako nito ng unan "Nangangatwiran ka pa pero halatang halata naman sa muka mo ang totoo" sabi pa nito at napatawa nalang 

"Bahala ka kung ano nalang ang gusto mong isipin" tumalikod ako dito at napairap nalang sa hangin, staka sinuot ang pants ko

"Kamusta! malaki ba si Zwei, sinuko mo na ba ang hiyas mo" sana lamunin na ng lupa si Pinky dahil sa pinagsasabi niya

"Mauuna na ako sa baba" mabilis naman akong nag-lakad papuntang baba at dumiresto nako sa likod bahay

Doon ay naabutan ko tinuturuan ni Ouie kung paano gamitin ng tama ni Denden ang kakayahan niya, samantalang tutok naman sa pagtuturo si Jewel kay Veronica. Napahinto silang lahat ng makita nila ako at lumapit sa akin.

Bakas na bakas ko na kaagad sa dalawang bata ang pagod, pero alam ko naman para din sa kanila to kaya naman ginagawa din nila ang best nila para hindi masayang ang lahat ng pinag-hirapan nila.

"Uminom muna kayo ng tubig at magpa-hinga" sabi ni Jewel sa dalawa at agad naman nila itong sinunod

"Mag-eensayo 'din kayo?" tanong naman sa akin ni Ouie

"Oo, pababa nadin si Pinky" sagot ko

"Kakatapos lang din ng practice namin ni Jewel" aniya "Duel ang ginawa naming pagsananay" dagdag pa niya 

A Peculiar's Home (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon