'The Peculiar World by Jose Marco III'
Olly POV...
Umaga na ngayon at sa tingin ko tapos na silang lahat sa baba na mag-almusal, pagka-gising ko talaga kanina nag-pasya na muna ako na hindi bumaba. Pagka-tapos kasi naming tulungan sa silid niya si Jewel ay iniwan na namin ito ni Pinky para makapag-pahinga, dumiresto naman ako sa silid ko para basahin itong librong pinahiram sa akin ni Jewel.
Hindi pa man din ako nangangalahati pero napaka-dami mo na talagang matutunan sa librong ito.
'The Peculiar World by Jose Marco III" 1959 ng unang mai-published ito ngunit labing dalawa lang na kopya ang tanging naka-imprenta sa buong pilipinas pero kung sa ano mang kadahilanang kung bakit ganito lamang ang bilang ng naka-imprenta ng libro na ito ay hindi iyun binanggit ni Jose ang author ng libro.
Sa unang pahina mababasa mo kaagad kung kanino ini-aalay ni Jose Marco ang libro, nag-bigay siya dito ng labing-dalawang pangalan at sa tingin ko para talaga sa labing-dalawang tao na ito ang libro na ginawa ni Jose.
Mapapansin mo rin ang pagka-luma ng libro dahil narin sa tanda nito. Wala naman gaanong desenyo ang libro at tanging nababalutan lang ito ng makapal na cover, masasabi kung maswerte kami at nagka-roon ng isa kopya nito si Jewel at mababasa namin. Ngayon ko lang naiisip na mag ganito palang ganitong libro.
Kung normal na tao kalang at babasahin mo ang libro na ito, iisipin mo na isa itong fiction lang fantasy genre. Iisipin mo na kwento ito ng isang paglalakbay ng isang lalaki at ang pakikisalamuha nito sa mga taong may kakaibang kakayahan o abilidad. Napaka-galing na paraan niya ng pag-susulat, hindi mo talaga ito iisipin na hango ito sa totoong buhay ng Author.
Nga pala, hindi naman susulat ng ganitong libro si Jose Marco kung hindi siya gaya namin. Tama! ang mismong author mismo ay isang peculiar at ang ability niya ay Telepathy. Ang cool diba!
Napahinto ako sa pag-babasa ko ng biglang bumukas ang pintuan at doon iniluwa si Zwei, tuloy-tuloy naman itong nag-lakad papunta sa cabinet nito.
"Naka-balik ka na pala" Lumingon lang ito sa akin at bumalik na kaagad sa ginagawa nito
Ang sungit talaga!
Nga pala ngayon ko lang napag-tanto na hindi ko pa alam kung anong ability ang meron si Zwei. Well nakita ko na yun ng isang beses pero hindi naman ako sure gusto ko lang na manigurado.
"Zwei" pag-tawag ko dito at lumingon naman ito "Hindi ko pa kasi alam kung ano ang ability mo? ano ba ang ability mo?" tanong ko dito
Tumayo naman ito at biglang nag-hubad ng damit, mabilis naman akong napatakip ng kumot sa sarili ko. Pakiramdam ko namumula ang muka ko ngayon
"Hinahanap ka nila sa baba" rinig kung sabi nito
"Teka! Anong ginagawa mo?" Nagulat nalang ako ng bigla nalang ako lumutang sa ere at tuloy-tuloy na napunta sa pintuan, pagka-tapos ay binagsak ako bigla sa pinto
"Lumabas kana" sabi nito at tuloy-tuloy na humiga sa higaan, well higaan naman niya yan talaga.
"Lalabas na ako" pero bago ako tumalikod ay humarap ulit ako "Akin na muna yung libro sa tabi mo" sabi ko
Mabilisan namang bumulusok ang libro papunta sa akin at buti nalang nasapo ko ito, nakaka-inis talaga.
"Hindi ka sana magka-jowa, ang sama ng ugali mo!" Sabi ko pagka-tapos kung isara ang pinto
Dala-dala ko ang libro habang papunta ako sa baba, naabutan ko silang lahat na nasa kusina at masayang nag kwe-kwentuhan. As usual wala na naman si Claudia, mukang nag-kukulong na naman ito sa silid nito.

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasíaIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!