'The peculiar escape'
Olly POV
Maigi kung pinag-masdan mula dito sa balkonahe ng kwarto ko ang pag-pasok ng mga magagarang sasakyan sa Mansion na pag-mamay-ari ng mga magulang ko, hindi na ako mag-tataka pa kung kilala at sikat ang mga taong dadalo ngayon sa pagdiriwang ng kaarawan ko. Isang gobernador ang ama ko dito sa probinsiya ng Connor at doktor ang ina ko, mga professionals kaya kilala at sikat. Sa malawak naming harden gagawin ang pagdiriwang ng kaarawan ko, natatanaw ko 'rin mula dito sa ikatlong palapag ang mga desenyong palamuti na siyang nag-paganda sa paligid.
Nag-kalat 'din sa paligid ang mga guards at pulis, para narin sa mga seguridad ng mga tao rito at ng pamilya ko narin. Isa-isa namang binabati ni Papa ang mga bisita at masayang nakikipag-kwentuhan 'rito, samantalang ang nakakatanda ko namang kapatid ang kuya ko ay kasama ng mga barkada niya at nakikipag-sayahan sa sulok ng harden.
Ang tagal ko nang hinihintay ang araw na ito, ang ipagdiriwang ng magarbo at espesyal ang kaarawan ko, pero parang ngayon palang gusto ko ng umatras. Sa dami at class ng mga taong inbitado ngayon kinabahan ako bigla, sa tingin ko dapat palang hindi ko na ito hiniling sa mga magulang ko.
Hindi naman kasi ako nabibilang sa kanila!
Hindi ako dapat mabilang sa mga katulad nila, naiiba ako sa mga taong naririto. Ayaw kung mangyari na ipahiya ang mga magulang ko ang pamilya ko sa mga taong naririto, masyadong mahal at sobra-sobrang biyaya ang naibigay nila sa akin kaya hindi ko dapat na suklian iyun ng kahihiyan.
Sana walang mang-yaring masama ngayon.
"Bakit naka bathrobe ka pa" napatingin ako sa likod at nakita kung papalapit sa akin si Mama "Na ipasok na ng mga katulong ang damit na susuotin mo, bakit hindi ka pa nag-hahanda" sabi pa nito
Naka-ngiting pinag-masdan ko naman ang mama ko sa suot nitong red dress, simple but elegant. Ang ganda niya
"Hindi ko alam Ma" Tumalikod ulit ako rito at tiningnan ang mga tao sa baba "Paano kung mag-kamali ako, paano kung mapahiya ko kayo, kayo ni Papa, natatakot ako Ma" naramdaman ko naman ang pag-hagod ni Mama sa likod ko.
"Ano ka ba!" panimula nito, humarap naman ako dito "Hinding-hindi mang-yayari iyun, 'wag kang mag-isip ng ganun anak, walang mangyayaring masama sa iyo o kahit sa amin pa" Niyakap naman ako ni Mama at hinalikan sa Noo "Kaya mag-bihis ka na okay, at nakataas noong harapin sila, ikaw si Olly ang anak namin, hindi ka hahadlangan ng nasa likod mo" Tumango naman ako rito at ngumiti
BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasíaIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!