"Hahaha! Tama na po Miss.Lola" Patuloy naman ang pag-harang ng kamay ko sa tubig na nanggagaling sa water-hose na siyang hawak hawak ni Miss.Lola
Malakas kasi ang bugso ng ulan at bago pa itong magsimula bumuhos ay gumagawa kami ng trabaho dito sa likod bahay, kaya ng maabutan kami ng malakas na ulan ay siya namang napag-pasyahan namin na maligo dito. Kasama namin 'rin rito sina Denden, Veronica, Pinky, ako at si Ms.Lola samantalang ang tatlo naman ay hindi ko na alam kung ano ang ginagawa.
Siguro ngayon si Claudia ay nakakulong sa kwarto nito at nagbabasa samantalang si Zwei naman ay natutulog pa at si Ouie naman ay baka nasa kwarto lang 'din nito.
"Kuya Olly pwede niyo po ba ipakita ang pakpak niyo" Nangiti naman ako sa sinabi ni Veronica
"Oo nga po, ang ganda-ganda kasi" Nangiti ulit ako sa sinabi naman ni Denden
"Oo nga, gusto ko 'rin makita" sabi naman ni Ms.Lola
Natutuwa naman ako kay Miss.Lola dahil naka-dress pa kasi ito habang naliligo ng ulan, napa-isip tuloy ako kung ilan ba ang mga dress niya.
"Teka, hindi ka ba lalamigin niyan kung huhubadin mo ang damit mo?" aniya naman ni Pinky
Umiling ako 'rito "Hindi" sagot ko
Inumpisahan ko nang hubarin ang maluwang kung shirt at saka lumitaw ang kumikinang kung pakpak.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Wow! ang ganda po talaga" aniya ni Veronica "Sana may mga pakpak 'din po ako" dugtung pa nito
"Ang ganda Olly, bagay na bagay sa'yo" napangiti naman ako sa sinabi ni Ms.Lola
"Isang lipad naman diyan" nawata naman ako sa sinabi ni Pinky
Unti-unti ko naman pinagalaw ang pakpak ko hanggang sa maramdaman ko na ang pag-angat ko sa ere. Nag-palipaf lipad naman ako at sinasabayan ang ikot ng hangin, minsan ay kinakawayan ko sila. Ngayon ko lang ulit naranasan ng lumipad na malaya, yung walang pangamba.
Dati-rati kasi ay pinag-babawalan ako nila Mama at Papa na gawin ang bagay na ito, dahil sa posibilidad na may makakita sa akin. Ang sabi nila ay normal naman 'daw sa isang nilalang na mag-karoon ng isang pakpak, pero hindi normal iyun kung ang isang tao ay magkakaroon nito. Kaya simula noon ay ginawa nila ang lahat ng paraan para lamang itago itong bagay na tungkol sa akin.
Pero simula ng mapunta ako dito sa lugar nina Miss.Lola ay malugod ko nang tinanggap kung sino nga ba ako at kung ano ako pati 'narin itong regalo sa akin, dahil alam kung hindi ako nag-iisa at alam kung hindi nila ako iiwan .
Pinag-patuloy ko parin ang pag-lipad ko pero ngayon ay mas mababa na at mabagal, para kahit papaano ay makasabay ako sa kanila.
Masaya ako at nararanasan ko ito ngayon, pero siguro mas sasaya ako kung naranasan ko ito sa pamilya ko.