"Denden's Nightmare"
Zwei POV...
Tik...Tok...Tik...Tok... Tanging tunog lang ng orasan ang maririnig mo sa buong kwarto, sa kasalukuyan dito parin ako sa silid ni Denden nanununuluyan. Dito ako natutulog sa sofa dahil hindi naman kamik kasya sa maliit nitong kama na saktong-sakto lang sa kanya. Nasa-kalagitnaan na ng gabi pero hindi parin ako makatulog, hindi na naman ako pwedeng matulog.
Ilang sandali na lang kasi mangyayari na naman ang kinakatakutan ko.
Abala ang kanang kamay ko sa pag-lalaro ng baryang pilak, pinapalutang ko lang ito sa ere habang diresto parin ako nakatingi sa mahimbing na natutulog na si Denden. Ito ang abilidad ko kaya kung mag-pagalaw ng bagay gamit ang isip ko, kung tawagin ito ng iba telekinesis. Bata palang ako ng malaman ko na may ganito akong kakayahan.
Na siyang naging dahilan ng mga peklat ko sa likurang bahagi ng katawan ko.
Nakaka-tamad na ang ganito! Tumayo ako at nag-lakad papuntang bintana, binuksan ko iyun at siya namang salubong sa akin na malamig na simoy ng hangin. Ang ganda pag-masdan ng paligid, madilim 'man pero payapa. Ang kalangitan ay sumisimbulo ngayon ng kadiliman pero pinapanatili parin nito ang kagandahan at kabutihan sa pamamagitan ng mga kumikinang na bituin at buwan.
"Huh?"
Napailing nalang ako bigla ng biglang lumitaw sa isipan ko ang muka ng baklang 'yun, Bwesit isa pa ito sa hindi nag-papatulog sa akin. Simula kasi ng dumating iyun dito hindi na siya nawala sa isipan ko, laging nanggugulo. Nakaka-irita na. Hindi sila mag-kamuka ni Ammee.
Hindi siya si Amme!
Siguro nga 'yun nga ang dahilan kung bakit hindi mawala sa isipan ko si Olly, nagpag-kakamalan ko siyang si Ammee. Sa kasarian palang nila malayo na ang kinaibahan nila.
Iniligtas ko lang naman siya ng araw na iyun dahil akala ko siya si Ammee.
Tok!... Tok!... Tok!... Napatingin kaagad ako sa pinto ng marinig ko ang pag-katok, binuksan ko lang iyun gamit ang isip ko.
Speaking of him
"Ahm... a-ano k-kasi ahmm.." napairap naman ako dahil sa pautal-utal nito.
Ngumisi ako 'rito at matalim itong tiningnan "Bakit!" walang emosyon kung pag-kakasabi dito
"H-hindi kasi a-ako makatulog dumaan lang ako dito dahil baka hindi ka 'din makatulog" napa-iling nalang ako at bahagyang natawa pero hindi ko pinahalata kay Olly "G-gusto mo bang mag-Coffe" sabi pa nito
"Hmm.." Tumango ako dito "Pero hindi ako pwedeng bumaba, dalhan mo nalang ako dito" dagdag ko pa
"S-sige" tumalikod naman ito at isinara ang pinto
Napangisi nalang ako at umiling malaki talaga ang pinagka-ibahan nila ni Ammee
Habang hinihintay ko si Olly napatitig ako sa mahimbing na natutulog na si Denden, hindi ba mang-yayari ngayon. Sa tingin ko kasi mag-aala una na ng madaling araw pero hindi parin ito mang-yayari, sa tingin ko nag-oover thinking lang ako.
Napatingin ulit ako sa pinto at nakita kung si Olly na bitbit ang dalawang tasa na nasa platito, dali-dali naman ako lumapit dito at kinuha ang isa sa mga iyun. Nakarinig naman ako ng pag-sara ng pinto, hanggang sa tumabi na ito sa akin sa sofa

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasyIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!