'Power of Perfume'
Pinky POV...
"Kuya Pinky!" Napatingin ako sa kaawa-awang si Denden
Nako! Malalagot talaga sa akin itong mga panget na 'to!
"Ahm... Itatakas ka ni Kuya okay!" nakangiti kung sabi dito "Magiging okay 'din ang lahat" dagdag ko, ngumiti at tumango naman ito sakin
"At sa tingin mo hahayaan kung mangyari 'yun" Napatingin naman ako sa lalaking naka-printing naka-upo sa upuan
Sa tingin ko siya ang may pakana nitong pag-dukot kay Denden.
"Kung ayaw niyo pa pong masaktan, pwede po bang itigil niyo na 'to at pakawalan niyo na ang bata, maawa naman po kayo" yumuko pa ako dito para mag-bigay galang
Sana naman gumana ang charm ko!
"HAHAHAHA!" Nagulat naman ako ng tumawa ito ng malakas, pati ang mga lalaking nakapalibot dito ay nakigaya din sa kanya "Hindi ko alam na komedyante ka pala, alam mo? pwede ka sa perya ko HAHAHAHA!" sabi nito sabay hirit pa ng malakas na tawa
Akala ba talaga nila nag-bibiro ako!
"Hindi po ako nagpapatawa" napayuko nalang ako at napakoyum ng kamao "Sinaktan niyo po si Denden, para narin po namin siyang bunsong kapatid at 'yun po ang hindi naman mapapatawad, ganyan po ba talaga ang gawain niyo ang manakit ng bata at mas mahina sa inyo! DIBA KADUWAGAN YUN!!!" Sigaw ko
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sino mang tao na manakit sa mga kaibigan ko, kaya lahat gagawin ko para maipagtanggol sila.
Kahit na!
Kahit na!!!
Kahit na hindi panlaban ang abilidad ko, gagawin ko lahat ayon sa kakayahan ko.
"Sinong sinasabi mong duwag! Ha!" Sigaw naman sa akin nong lalaki "Alam mo naman siguro na may kakaiba sa batang to! Parang dalawang yun!" Sabay turo niya sa nag-lalaban nasi Ouie at Jewel di kalayuan sa amin "Ngayon interesado tuloy ako kung katulad kadin nila, mainam at pwede ko kayong pag-kakitaan" mas lalo naman namuo ang galit sa puso ko
Ano ba ang akala niya sa amin, Laruan!
Kung ganon! ganito palang tao ang unang kumupkop kay Denden, kaya pala hanggang ngayon dala-dala parin ng bata ang takot dahil sa lalaking ito. Anong klaseng tao ba siya, ginagamit niya ang mga tulad namin para sa ambisyon niya para sa katakawan sa salapi.
"Anong klaseng tao ka ba! Ha!" Buong tapang kung pag-kakasabi at ramdam ko narin ang pamumuo ng luha sa mata ko "May puso 'din naman kami, nalulungkot, nasasaktan gaya niyo kaya bakit mo 'to ginagawa, tao 'din naman kami" napapunas naman ako sa luhang tumulo sa pisngi ko

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasyIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!