Chapter = 16

174 16 0
                                    

'The Truth Untold'

Olly POV...

Mabigat ang pakiramdam ko habang nag-lalakad papunta sa silid ko, mag-hapon kasi kaming nag-practice. Isang linggo narin ang nakararaan ng simula mabasa namin ang libro ni Jose Marco III ang 'The Peculiar World' marami kaming nabasa tungkol sa mga taong may kakaibang abilidad o kakayahan. At dahil din doon ay napaka-dami rin naming natutunan at natuklasan, kaya naman napag desisyonan namin na mag-ensayo at mas lalong palakasin ang mga sarili namin.

Pagka-bukas ko kaagad ng pinto ay bumungad sa akin ang tahimik na nag-babasa na si Zwei, dito narin pala siya natutulog ako sa kama at sa sahig naman siya meron siyang ginagamit na foam na pinagamit sa kanya ni Ms.Lola. Ayaw niya kasing lumipat ng ibang silid at ngayon ay maayos na ang kalagayan ni Denden kaya wala na itong dahilan pa para manatili ito doon. Kaya nagka-sundo kami sa ganitong set-up.

Kahit noong unang gabi na halos hindi ako maka-tulog kasi dahil sa presence niya.

Napatingin ito sa gawi ko "Kamusta ang practice?" rinig kung tanong nito

Isinara ko naman ang pinto at tuloy-tuloy nag-lakad papunta sa Cabinet, buti nalang binigyan narin ako ng sariling cabinet ni Ms.Lola

"Okay naman" sabi ko at kumuha ng isang malaking shirt na obviously galing kay Zwei "Kahit papaano nakikita naman namin ang resulta ng pagpapa-lakas namin" sabi ko dito at humarap sa kanya "Ikaw? may nalaman ka na ba sa kakayahan mo?" tanong ko dito

"Hmm" sabi nito at itinaas ang libro na pinahiram ko sa kanya

Noong araw 'ding yun na malaman ko na isang Devil Slayer talaga ang abilidad ni Zwei kinagabihan ay sinabi ko ito kaagad sa kanya.

"Kulang ang mga impormasyon na nakalagay dito" aniya "Pero nagpa-tulong na ako kay Ms.Lola, sabi niya dadalhan daw niya ako ng libro na mas makakatulong pa tungkol sa kakayahan ko" dagdag pa niya

Hindi nadin ako sinusungitan ni Zwei kahit papaano. Minsan nakaka-usap ko siya ng matino minsan sinusumpong na naman siya ng sakit niya. Siguro ganito na talaga siya

"Nga pala hindi ka naba mangangaso?" tanong ko dito, kinuha ko naman ang towel na nakasabit sa clothe rack at sinukbit sa balikat ko

Isinarado nito ang libro at umiling "Hindi na ako pinayagan ni Ms.Lola" direstong sabi nito 

"Huh?bakit naman?" sabi ko

"Iwan" sabi niya at nahiga "Mainam nalang 'din siguro yun para naman mapag-tounan ko ng pansin itong abilidad na meron ako" sabi nito

Staka ang napapansin ko lang, hindi na ako masyadong na iilang kay Zwei.

"Sige na, mauna na ako sa labas maliligo pa ako" sabi ko dito 

Lumabas na ako ng silid at tinahak ang daan papunta ng banyo, matapos ng nakakapagod na hapon masarap matulog ng bagong ligo.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng banyo ng biglaang bumukas ito, kaya naman ay napahinto ako.

"Hay! Sarap talaga ng fresh" napangiti ako bigla ng marinig ko ang boses na 'yun "Nakakagulat ka naman ses!" ang gulat na sabi ni Pinky ng  makita ako

Bahagya akong natawa dito "Ang bango naman" puri ko dito dahil totoo naman talaga na mabango ang naamoy ako

"Ito oh!" Sabay angat niya ng kamay niya na hawak-hawak ang body-wash "Gamitin mo ito at tiyak ko kapag na amoy ka ni Zwei tiyak kung gagapangin ka non" mahina ko naman ito napalo

A Peculiar's Home (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon