'Start of something new'
Olly POV....
Gustuhin ko mang bumangon sa kina-hihigaan ko pero hindi ko magawa, walang gana ang katawan ko. Anong oras na kasi kami nakatulog ni Pinky kagabi, tapos ang aga ko pang nagising ngayon. Nasa attic ang pwesto ng kwarto ko kaya naman tanawa ko dito ang madili na bumabalot sa paligid, maghahating gabi na nang matulog kami ni Pinky at ngayon naman ay sa tanging ko ay alas-kuwatro palang ng umaga.
Kahit na tinatamad ay pinilit ko parin ang sarili ko na bumangon, agad kung tinungo ang kabinet at kumuha ako doon ng sweater, malamig kasi ngayon at naka loose t-shirt lang ako.
Pagka-tapos mag-bihis ay lumabas na ako ng kwarto at pumuntang baba diresto ng kusina, Aga kung binuksan ang bawat aparador at nag-hanap ng coffee powder. Nakakita naman ako at tinimpla ko naman agad ito, pagka-tapos ay dumaan sa kusina papuntang likod ng bahay.
Pwe-pwesto na sana ako sa bangkong upuan ng napahinto ako at nagulat ako sa nakita ko.
Si Zwei! Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?
"Kape" Itinaas ko naman ang tasa na dala ko ng napatingin ito sa akin.
Napansin naman siguro nito na uupo ako kaya umusog ito ng bahagya, at umupo na ako dito. Tanging huni lang ng mga kuliglig ang maririnig mo sa paligid isama mo pa ang hamog at malamig na simoy ng hangin. Ang ganda 'din pag-masdan ng mamasang-masa na damo at ang tahimik na kapaligiran pati narin ang mga bituin at maliwanag na buwan.
"Ba't gising kapa?" Napatingin naman ako kay Zwei ng marinig kung nag-salita ito
"Ako?" Turo ko sa sarili ko
Napatingin naman ito sa akin "May iba pa bang tao na narito" pag-susuplado nito
Gwapo sana masungit naman! Bakit ba karamihan sa mga gwapo masusungit!
Hindi naman pala karamihan, yung iba kasi mayabang!
"Maaga lang talaga ako nagising, hindi narin naman ako makatulog at mag-uumaga na din kaya naisipan kung bumuba na" sabi ko rito, sabay higop ko sa kape
Nakakaramdam kasi ako ng awkward, hindi ko alam kung bakit.
"Ikaw? bakit ka narito?" tanong ko naman dito
"Hindi ako maka-tulog" sagot naman dito "Mukang kasyang kasya sayo ang mga damit ko ha!"
"Ouchhh!" Napaso naman ako sa kapeng hinihigop ko dahil sa gulat dahil sa sinabi ni Zwei
All this time, sa kanya pala yung mga damit na sinusuot ko, kaya pala sobrang laki at luwang. 'Wag mong sabihin na pati yung kwarto na hinihigaan ko sa kanya din.

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasíaIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!