'Frenimies'
Olly POV...
Dear Amee,
Alam ko sa mga oras at araw na ito ay nabalitaan muna ang nangyaring kaguluhan sa araw ng kaarawan ko, alam 'din naman nating dalawa na dadating ang araw na 'yun na malalaman din ng iba ang tungkol sa atin ang tungkol sa mga kagaya natin.
Huwag kang mag-alala sa akin ate nasa mabuting kalagayan naman ako ngayon, hindi na nga lang ako nakatira sa atin. Mag-buhat kasi nangyari ang aksidente ng gabing 'yun ay hindi pa ako nauuwi sa atin. Miss na miss na kita ate, kayo nila Kuya Mama at Papa. Naniniwala ako na balang araw magkakasama din tayo. Naniniwala ako doon. Lagi kang mag-iingat, mahal na mahal kita ate.
Love Olly
Matapos kung isulat ang liham ko para sa ate ko ay itiniklop ko na ito ulit at binilot ito ng manipis, inihanda ko narin ang puting laso na siyang gagamitin ko dito. Isang beses ko ulit ito tiningnan at nangiti.
"Handa na po ba ang sulat niyo Kuya Olly" Pumasok naman sa silid ko ang naka-ngiting si Veronica, dala-dala nito ang pusa nito."Oo" sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko na may hawak ng sulat "Narito na ba ang kaibigan mo?" Tanong ko dito
Sa pamamagitan kasi ng kaibigan ni Veronica, madadala nito ang sulat ko sa ate ko.
Tumingin ito sa bintana "Nariyan na siya" sabi nito at doo'y pumasok ang isang puting ibon "Ito ang kaibigan ko, siya ang tutulong sa atin para madala ang sulat mo" Paliwanag nito
"Anoo nga bang gagawin ko?" tanong ko dito
"Itali niyo lang po sa paanan nitong ibon ang sulat niyo" ang sabi ni Veronica na siya namang kaagad ay ginawa ko "Ano nga po palang pangalan ng susulatan niyo?" Tanong nito
"Amee ang ngalan niya, ang Ate Amee ko" sabi ko dito
Sandali namang napahinto si Veronica "Amee po?" nag-tatakang sabi pa nito
"Oo si Ate Amee" sagot ko dito "Bakit?"
Napakamot naman ito sa ulo nito "Sa tingin ko po kasi narinig ko na dati ang pangalan na Amee pero hindi ko lang po matandaan"
Narinig na niya ang pangalan ng ate ko? Baka nag-kakamali lang siya.
"Kaibigang ibon, dalhin mo ang sulat na ito sa nagngangalang Amee ha?" pagkatapos sabihin yun ni Veronica ay nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano tumango ang ibon. Pagkatapos ay lumipad na ito.
"Teka! Paano pala niya malalaman kung sinong Amee ang pagdadalhan niya ng sulat?" Tanong ko sa katabi ko habang pinag-mamasdan namin ang palayo ng ibon
"Magtiwala na lang tayo sa kanya Kuya, maraming beses na naming nasubukan ang kakayahan ng kaibigan ko at nagagawa naman niya ito ng tama" ang naka-ngiti at siguradong sagot ni Veronica
Ngumiti ako dito at hinaplos ang buhok nito "Salamat, tara na baba na tayo" tumango naman ito at nauna na sa aking naglakad
Pagdating namin sa baba ay naabutan kung naka-hilata sa mahabang sofa ang sa tingin ko'y pagod nasi Pinky, umupo ako sa harap na couch nito at pinag-masdan lang si Pinky. Nitong mga nakaraan araw kasi ay hindi maalis sa isip ko kung ano nga ba ang kwento ng buhay ni Pinky at kung paano siya napunta kasi Ms.Lola, na alala ko tuloy ang sinabi ni Zwei sa akin na lahat kami dito ay may pinag-dadanan. Ano nga ba ang pinag-dadaanan ni Pinky, lagi mo kasi itong makikitaan ng kasayahan sa muka at para bang walang problema.
Nakakahiya naman kasing magtanong, mas maganda siguro kung siya ang mag-sasabi sa akin.
"May nag-iwan na naman ng lunch box para kay Ouie" napalingon ako sa gawing pintuan at doon ay iniluwa si Claudia
Dala-dala nito a ng isang lunch box na sa tingin ko ang tinitukoy nito na para kay Ouie.
"Meron na naman po, sino kaya ang nag-iiwan niyan para kay kuya Ouie" ang sabi ni Veronica
Tumayo ako at nag-lakad papunta kay Claudia "Ako nalang ang mag-bibigay kay Ouie" naka-ngiti kung sabi dito
Pero ang kinabigla ko ang pag-irap nito sa akin at pwersahang pag-bigay sa akin ng lunch box, mabuti nalang at nahawakan ko ito kaagad kung hindi ay maari itong malaglag.
Tiningnan ko ito at galit ang nakita ko sa mga mata nito.
"May problema ba tayo" malumanay na sabi ko dito "Kung meron, pw-pupwede mo naman sabihin sa akin" dagdag ko pa
"Malaki!" madiin na pagkaka-sabi nito "Malaki ang problema ko sa'yo" sabi nito at akmang aalis na ng hawakan ko ang braso nito.
Iniabot ko naman kay Veronica ang lunch box at sinenyasan na ibigay na ito kay Ouie, nag-aalangan man pero umalis parin ito at sinunod ako.
"Kung malaki 'man at meron 'man, gusto kung malaman kung ano 'yun" sabi ko dito, bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko at tinabig.
"Pwede ba!" Masama ako nitong tiningnan "Kung ayaw mong dagdagan ang inis ko sa'yo, wag mo akong papaki-alaman!"
Para namang may biglang sumikip sa dibdib ko ng marinig ko ang mga salitang 'yun galing kay Claudia, hanggang ngayon kasi hindi ko parin maintindihan kung ano nga ba ang pinag-mumulan ng galit niya sa akin. Hindi ko maintindihan, kung bakit.
Kahit anong isipin ko, hindi ko talaga alam kung saan nag-mumula ang galit nito.
"Gusto ko lang naman na maging maayos tayo" sabi ko dito "Maging mag-kaibigan" dagdag ko pa
"Kaibigan!" nakangisi lang ito at bahagyang natawa "Kaibigan ba kamo, hindi na! baka magka-mali ulit ako at ipahamak mo kami"
"Ipahamak?"
"Oo gaya ng at--"
Biglang naputol ang sasabihin ni Claudia ng magsalita si Pinky "Claudia! Tama na!" sabi nito at lumapit sa amin.
"Yan! Hindi ka pa ba nadadala Pinky" sabi nito sa katabi ko "Napahamak na tayo noon, maaring mangyari ulit 'yun ngayon" Sabi nito at para bang may luhang namumuo sa gilid ng mata nito.
"Pero hindi si Olly Yun!" Ang sagot dito ni Pinky
"Pero alam mong hindi magka-iba 'yun" mabilisang sabi dito ni Claudia at pinunasan ang luha nito bago pa ito bumagsak "Bahala ka! Sa oras na trinaydor tayo niyan" Turo n ito sa akin "Ikaw ang sisihin ko" sabi nito at pumanik na paitaas.
Napatingin ako kay Pinky at umiling lang ito. "Wag mo nalang intindihin 'yun" sabi nito
"Ano ba yung tinutukoy niya?, ganon ba talaga siya?" Tanong ko dito
Malungkot itong tumingin sa akin at huminga ng malalim "Hindi" sabi nito "Hindi, hindi siya ganyan noon simula lang nong dumating si--- uhm sige magpapa-hinga lang ako aakyat na ako sa itaas" ti-nap naman nito ako sa balikat at umalis na
Sino ba kasi yung sinasabi nila, sino yung taong tinutukoy nila at nagka-ganyan si Claudia.
BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasiIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!