'A New Peculiar'
Olly POV...
Andito kami ngayong lahat sa sala dahil sa pinag-tipon kami dito ni Miss.Lola, may mahalaga 'daw kasi itong sasabihin. Lahat kami ay naririto na maliban lang kay Zwei na ilang araw nang hindi umuuwi, ang sabi lang sa akin ni Pinky nasa pangangaso 'daw ito kapag nawawala. Napa-isip tuloy ako sa panahon ngayon uso pa pala ang pangangaso, hindi ko alam na may mga tao pa palang gumagawa nito. Pero saan naman kayang gubat ito naroroon
I wonder kung nasa bayan ito ng Connor.
Gaya 'din ng mga nag-daang araw hindi parin maayos ang relasyon namin ni Claudia, tina-try ko namang mag reach out sa kanya pero siya talaga itong lumalayo.
Gusto kung malaman kung bakit?
Ang payo sa akin nila Pinky at Ouie hayaan nalang 'daw, pero hindi ko naman pwedeng hayaan 'yun. Hindi naman kasi pwedeng tumira sa iisang bubong namay kagalita ka no! habang buhay mo yun dadalhin. At ang hirap kaya non!
"Paki-ramdam ko may iba tayong kasama ngayon" nag-tataka akong tumingin sa katabi ko
"Huh? Paano mo nasabi?" tanong ko kay Pinky
"May iba kasi akong pabango na na-aamoy ngayon ehh" sabi nito "Pero hindi mapanganib na pabango, basta iwan" dagdag pa nito
Napatingin naman kami sa padating na si Ms.Lola gaya ng naka-sanayan dala-dala parin nito ang matamis na ngiti at napakaganda din nito sa damit na suot nito.
"Kamusta kayong lahat" panimula nito "Ngayong araw ay may mahalaga akong ibabalita sa inyo"
"Ano po 'yun?" rinig kung sabi ni Veronica
"May bago kayong makakasama dito" ang sabi ni Miss.Lola
May bago na naman kaming kasama, ayos! Mas marami mas masaya
"Sabi ko na nga ba" ang mahina naman na bulong ni Pinky
Tumingin sa gawing pintuan si Miss.Lola "Halika ka, pasok ka" at mula doon ay pumasok ang isang babae na naka-suot ng floral dress.
Actually maganda siya Naka-yuko pa ito ng pumasok at tumabi kay Miss.Lola
"Tumingin ka sa kanila, Wag kang mahiya" sabi dito ni Ms.Lola
"Ikaw?" gulat na gulat na sabi ni Pinky
"AteJewel" ang masaya na sabi ni Denden tumakbo pa ito at napayakap sa babae
"Magpa-kilala ka" sabi ni Miss.Lola
"Hmm" halatang kinakabahan ito "Ako nga pala si Jewel, alam kung nakagawa ng masamang bagay ako sa inyo" Yumuko ito bigla "Gusto kung magsimula ng bagong buhay na kasama kayo, gusto kung maging kaibigan kayo" ang sabi nito
Napangiti ako bigla, ito pala ang sinasabi nila ni Ouie at Pinky na nakalaban nila noong nililigtas nila si Denden. Sa ngayon na kaharap namin siya hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong kaba o takot sa kanya, katulad lang din namin siya.
Tumayo ako at lumapit dito "Ako pala si Olly, kinagagalak kung makilala ka Jewel" sabay ngiti ko dito at lahad ng kamay ko
Malugod naman nitong tinanggap ang kamay ko at ang kaninang kaba niya ay napalitan ng ngiti at para bang naiiyak pa ito "Salamat" sabi nito
"Kalimutan na natin ang nakaraan Jewel" lumapit naman sa amin si Pinky "Welcome to the club ses" natawa naman ako sa huli nitong sinabi
"Hindi talaga sinasadya ni Jewel na saktan kayo, pasensiya na" ang sabi naman nito

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantastikIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!