Chapter 4

261 27 2
                                    

'New Life Begins!'


Olly POV...


"Tulungan na kita" ang bungad ko kay Pinky ng makita ko 'tong nag-wawalis sa likod bahay.


Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mapunta ako dito pero sina Denden at Veronica palang ang nakaka-sundo ko, minsan nakikipag-laro ako sa kanila. Minsan naman tumutulong 'din ako sa mga gawain dito o kaya nakikipag-kwentuhan kay Ms.Lola. Minsan kasi bumaba si Lola sa bayan dahil may trabaho 'daw itong ginagawa doon. Ang mga kasamahan ko naman na naiiwan dito sa bahay ay may kanya-kanyang ginagawa, pero minsan naman kahit papaano ay nakaka-usap ko sila.


Hindi 'din naman ako nahirapan na mag-adjust sa bago kung buhay dito, hindi naman ako pinapabayaan ni Ms.Lola at lagi niya akong sinusubaybayan. 


Isa nalang talaga ang hindi ko nakikita at napapa-salamatan si Zwei.



"Paki-ayos nalang yung mga kahoy diyan sa gilid" naka-ngiti naman nitong sabi


Napatingin naman ako sa mga sinibak na kahoy sa gilid, at umupo ako paharap dito. Isa-isa ko naman ito inayos.


"Kamusta ang isang linggong pananatili mo 'rito" Ang tanong sa akin ni Pinky


"Ayos naman kahit papa-ano hindi naman ako nahihirapan mag adjust" sagot ko

Napansin ko naman itong huminto sa pag-wawalis at may dinukot sa pocket area ng jogging pants niya, isa iyung maliit na bottle at may laman na pink na liquid.


Ini-abot niya iyon sa akin "Gamitin mo" nag-tataka naman akong kinuha iyun "Dali na"


Nag-spray naman ako ng tatlong beses at nagustuhan ko ang amoy nito, sweet candy. Kaya mas dinagdagan ko pa ang pag spray nito sa sarili.


"Ang bango nito, Pinky" Natutuwa kong sabi dito


"Ang buong pangalan mo ay John Oliver "Olly" Esguerra, eighteen years old, ang pamilya mo ay nakatira sa bayan ng Connor at ang Daddy mo ang Governor ng Connor at Ang Mommy mo naman ay isang kilalang Doctor may alaga karing pusa na pinangalanan mong gemini, at may dalawa kang kapatid isang lalaki at isang babae" hindi naman ako makapag-salita dahil sa sunod-sunod na impormasyon na tungkol sa akin ang lumabas sa bibig ni Pinky


Napatayo ako at napa-atras ng bahagya sa kanya


"P-paano mo nalaman ang tungkol diyan" sabi ko 'rito


Napa-ngiti naman itong tumingin sa akin, ibinaba nito ang hawak nitong walis at itinaas naman ang perfume na siyang pinahiram niya sa akin kanina-nina lang.


"Yan ang kakayahan ko ang abilidad ko, gamit ang amoy ng isang tao, hayop o bagay nalalaman ko ang lahat-lahat sa kanila, mula sa mga bagay na tungkol sa kanila hanggang sa mga bagay na kinatatagong sikreto nila, gamit 'din ang kakayahan ko nalalaman ko 'rin kung nag-sisinungaling ba ang isang tao o hindi at gamit naman ang sarili kung amoy kaya kung magpa-tulog ng isang nilalang isa pa nalalaman ko 'rin ang lokasyon nila kung may bagay na hawak ako na may amoy nila" ang sabi nito sabay tingin sa akin

A Peculiar's Home (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon