'Behind Those Tears'
Claudia POV...
Pilit naming pinag-kasya ng aking kapatid ang mga sarili namin dito sa lumang aparador, bakas na bakas sa kapatid ko ang takot. Ano pa nga ba ang bago, lagi naman na ganito ang pamilya namin. Sa tuwing sasapit na ang gabi nakasanayan na naming dalawa ang magtago dito sa aparador na'to, sa halos araw-araw na nabubuhay kami ito na ang ginawa naming dalawa na kwarto.
Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa kapatid ko.
"Ate, natatakot ako" maiyak-iyak na sabi nito habang nakayakap sa tuhod nito
"Huwag kang mag-alala okay!" pinunasan ko ang muka nito "Hindi ka iiwan ng ate, ipagtatanggol kita" sabi ko at hinimas ang ulo nito
Patuloy lang ang ginawa kung pag-himas dito hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak at naka-tulog na, ang bata-bata pa ni Cassandra pero nararanasan na niya ang mga ganitong bagay. Hindi niya deserve ang ganitong pamilya hindi niya deserve ang ganitong uri ng pamilya, kung kaya ko lang siyang itakas dito at bigyan ng magandang buhay sana-sana matagal ko nang ginawa.
Dahil sa pagod ay napa-idlip nalamang ako. Nagising nalang ako ng bigla akong nakarinig ng malakas na ingay at malalakas na sigawan. Napatingin ako sa kapatid ko at tulog pa ito, inayos ko naman ang sarili ko sa pagkaka-upo at napasilip sa labas.
"Lasing ka na naman!" rinig kung sigaw ni Mama at nakasunod ito sa lasing kong Ama "Nasaan yung pera!!! Ano binigyan mo na naman yung babae mo!!!" sigaw pa nito
Napatingin naman ako sa tabi ko at doon nakita ko na naman ang takot sa muka ng kapatid ko
"Manahimik ka nga diyan!!" sagot naman dito ni Papa "Tang-ina!!! Wala na namang pag-kain" nagulat ako ng bigla nitong binalibag ang mga pinggan na nasa lamesa
Hindi ko alam kung bakit pa nag-titiis si Mama dito kay Papa, dapat matagal na niya itong iniwan. Wala nang ginawa ang Papa kung hindi laging uminom at mambabae. Minsan kapag mainit ang ulo nito kaming dalawa ni Cassandra ang pinag-bubuhatan nito ng kamay o minsan si Mama.
Hindi ko lubos maisip na nag-karoon ako ng ganitong klaseng Ama!
"Mag-hahanap ka ng pag-kain! Wala ka namang binibigay na pera!" ang balik naman dito ni Mama
"Tang-ina mo! pinang-susugal mo naman yung pera na binibigay ko sayo" sigaw ni Papa
Ito naman ang problema kay Mama nalulung naman ito sa bisyong sugal, ginagampanan naman nito ang pagiging ina nito sa amin ngunit sa oras na ma-upo ito sa sugalan hindi na kami ma-alala nito.
Nanlaki ang mata ko ng biglang kinuha ni Papa ang kutsilyo at tinutok ito kay Mama, doon na ako lumabas ng aparador at galit na tumngin kay Papa.
"Kayong mag-iina ang malas sa buhay ko eh!" sabi nito lalo na sa akin "Papatayin ko nalang kaya kayo, para lumuwag na ang buhay ko" sabi nito at winawasiwas pa ang kustilyo sa harap namin
"P-papa i-ibaba mo y-yan" natatakot na sabi ni Cassandara at napayakap ito sa akin mula likuran ko
"Elo tinatakot muna ang mga bata" aniya ni Mama "Ibaba mo na yan" dagdag pa nito
"Papatayin ko kayo" Akmang sasaksakin na ni Papa ang Mama ng matigil ito
Gamit ang kakayahan ko pina-apoy ko ang amay nito, tanging galit lang ang bumabalot sa akin ngayon.
"ARRGGHH!!!!!" SIgaw nito at dali-dali naman nitong itinapat ang kamay nito sa gripo, masama ako nitong tiningnan "Demonyo ka talaga, hindi ko lubos maisip na nagka-anak ako na gaya mo! Demonyo ka, anak ka siguro ng ina mo sa demonyo!!!" Ang sabi nito na siya lang lalo nagpa-tindi sa galit ko tumakbo naman ito papalabas ng bahay
"Nakita mo na ang ginawa mo!" Galit namang lumingon sa akin si Mama "Paano nalang pag umalis ang papa mo! Paano nalang kayo! Sino nalang ang mag-papakain sa inyo!"
"Ma, masakit po" daing ko dito dahil sa mahigpit na pagkaka-hawak nito sa braso ko
"LUMAYAS KA!!!" Sigaw nito, at doon na tuluyang bumagsak ang luha ko "Wala akong anak na demonyong gaya mo! Lumayas ka!!!" pinag-tutulakan naman ako nito sa pinto
"Ate hindi!" rinig kung sigaw ni Cassandra "Ate kung aalis ka isama mo ako" nagmama-kaawa na sabi nito
Ngunit hiniwakan ito ni Mama at pilit na pinipigilan "Babalikan kita" ang nasabi ko nalang bago ako tuluyang umalis sa bahay na yun.
Ilang araw din ako nagpa-laboy laboy sa kasalda at natuto din ako magnakaw para mabuhay, ang tanging nasa isip ko lang ang maka-ahon sa kahirapan upang maialis ko sa impyernong lugar na yun si Cassandra.
Hanggang sa isang araw, isang tao ang ninakawan ko at nagawa ko ng kasamaan ngunit pinakitaan ako nito ng kabutihan.
"Halika sumama ka sakin" ang naka-ngiting sabi nito
:"S-sino po kayo"
"Tawagin mo nalang ako na Lola"
At simula noon don nabago ang kapalaran ko.
Napapunas nalang ako sa pisngi ko dahil sa tumulong luha dito, hindi ko parin natutupad ang pangakong iniwan ko para sa kapatid ko. Ilang taon narin ang nakakalipas siguro galit ito sa akin ngayon. Malaki siguro ang galit nito sa akin ngayon.
"Nandito kalang pala" inayos ko muna ang sarili ko bago humarap sa likod
"Bakit?" tanong ko kay Pinky
"Dumating na si Ms.Lola" sabi nito "Pinapatawag ka niya isukat mo daw yung mga bagong damit na binili niya para sa'yo" ang naka-ngiting sabi nito
"Pinky" pagtawag ko sa pangalan nito at nag-tataka naman itong tumingin sa akin "Sorry" hindi naman ako makatingin ng diresto sa kanya ng sinabi ko iyun
"Ano kaba, bakit ka naman humihingi ng sorry sa akin wala ka namang kasalanan sa akin" sabi nito
"Pwede ba kitang maka-usap" sabay kaming napatingin sa likuran ni Pinky
"Bakit lumabas ka" pagsaway ni Pinky kay Olly "Hindi ka pa masyadong nakaka-recover" dagdag pa nito
"Pwede bang iwan mo muna kami" ang seryosong sabi ni Olly "May pag-uusapan lang kami"
"Pero hin--" Hindi ko narin pinatapos sa pagsasalita si Pinky ng sumang-ayon ako dito, umalis na ito
"Kamusta na" ang nasabi ko dito at tumayo naman ito katabi ko
"Medyo masakit pa ang katawan ko" sabi nito at nakaramdam naman ako ng guilt sa dibdib ko
Alam kung sa sarili ko na napa-sobra ako at nag-palamon ako sa galit ko.
"I'm sorry" nakayuko kung sabi
Humarap ito sa akin kahit na nahihirapan kaya napatingin ako dito "Bestfriends!" sabay lahad nito ng kanang kamay nito
Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko at imbes na tanggapin ang kamay nito ay niyakap ko ito
"S-salamat" bulong ko dito
At pareho kaming napa-iyak, noong araw ding yun parang nakaramdam ako ng saya at para bang naging malaya ang puso ko.

BINABASA MO ANG
A Peculiar's Home (BxB)
FantasyIf you read this until the end, maybe you're one of us! This is BXB Fantasy story, if you are a homophobic type of person don't read this!