Chapter 9

861 216 7
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Maaga akong pumunta ng school dala ang bagpack ko. Ayaw ko maiwan ng bus sa outing ng eco savior organization. Hinihintay ko na dumating ang mga kasama ko.

Ejay : "Hi Avie! Excited ka na ba?"
Avie : "Hello! Oo naman ikaw ba?"
Ejay : "Sobrang excited na"
Jea : "Hello guys!!"
Ejay : "Mabuti at maaga kang nakarating"
Jea : "Maaga akong nakatulog kagabi"

Ang daming dalang gamit ni Jea habang pareho lang kami ni Ejay na kaunti lang ang dala. Dumating na rin lahat at ang bus na sasakyan namin. Magkatabi kami sa upuan ni Jea habang si Vince at Ejay naman ang magkasama. Nasa likuran si Nicko at ang bago nilang kaibigan na si Jaypee.

Jea : "I'm so happy Avie na nakasama ka"
Avie : "Buti na lang pumayag si mama"
Jea : "Sana mag enjoy tayo sa outing"
Avie : "Sana nga Jea"

Mahigit isang oras ang byahe namin mula Cagayan papuntang Bukidnon. Tinitingnan ko ang napakagandang tanawin. Lumingon ako sa likod nakita ko si Ejay na kausap si Vince. Napangiti ako ng bigla alam ko na natutupad na ang matagal ko ng gustong mangyari na makasama si Ejay.

Huminto ang bus namin sa kainan. Kaya napagdesisyunan na rin namin ang kumain. Kasama ko sa isang table si Ejay at kaharap ko pa siya sa pagkain. Nagkwentuhan kami habang kumakain.

Vince : "Anong bang favorite food mo Avie?"
Avie : "Adobo"
Jea : "Pareha pala kayo ni Ejay"
Ejay : "Marunong ka bang magluto Avie?"
Avie : "Oo naman"
Jaypee : "Pwede ka ng mag asawa"

Kinikilig ako hindi ko alam ang sasabihin. Tinitigan ko lang si Ejay kung paano siya kumain. Pero hindi ako nagpapahalata sa mga kasama ko. Pagkatapos kumain ay pumunta kami ng Lake Apo sa Valencia ng Bukidnon. Naisip ng mga officer ng organization na mamasyal muna bago gawin ang mga activities.

Jea : "Its so nice to be here"
Avie : "Ang ganda ng Lake Apo"

Kaysarap pagmasdan ng kapaligaran lalo na pag kasama mo yung taong mahal mo. Naisipan ni Jea na kuhanan ng picture ang Lake Apo. Gusto ko rin sana pero nakalimutan ko dalhin ang cellphone ko. Naglakad lakad kami kasama ko pa rin si Ejay. Masaya ako dahil nakikita ko siyang masaya rin.

Ms. Villa : "Gusto kong makita ninyo ang ganda ng ating kalikasan. Naisip ko na gawin ang activities sa Bukidnon. Mayroong 10 groups with 3 members dapat sila ang kasama nyo sa lahat ng activities ng eco savior organization".

Nagkapilian ng group kasama ko si Jea pero kulang pa kami ng isa. Gusto kong makasama si Ejay sa group kahit na ngayon lang. Kasama ako ni Jea na kinausap si Ejay tungkol sa groupings.

Ejay : "Jea? Sinong kasama mo sa group?"
Jea : "Ako at si Avie"
Ejay : "Pwede bang maki join sa inyo?"
Jea : "Oh sure!"

Sobrang saya ko ng malaman ko na kasama ko sa group si Ejay. Sa araw din na iyon ay nag umpisa na ang mga activities namin. Pumunta kami sa municipality ng Manolo Fortich para sa kanilang popular na eco tourism destination. Ang zipline sa Dahilayan Adventure Park na isa sa may pinakamahabang zipline sa Asia.

Avie : "Ang saya naman nilang tingnan habang naka zipline"
Ejay : "Bakit hindi mo subukan?"
Avie : "May phobia kasi ako sa heights"
Ejay : "Okay lang iyan! Marami pa namang susunod na activities"

Nakakapagod man ang mga activities pero masaya naman. Kasi kasama ko sa kasiyahan si Ejay. Gumawa kami ng tent para doon magpahinga at magpalipas ng gabi. Kasama ko sa tent ang mga babae na members ng organization. Gabing gabi na pero hindi parin ako makatulog kaya naman lumabas ako ng tent.

Ejay : "Bakit gising ka pa Avie?"
Avie : "Hindi pa kasi ako makatulog kaysarap lang kasing makita ang mga butuin sa langit"
Ejay : "Kung may hihilingin ka ano iyon?"
Avie : "Yung makasama ko yung taong nagpapasaya sa akin at hindi niya ako iiwan"
Ejay : "Kung sino man siya napakaswerte niya. Pwede ko bang malaman kong sino siya?"
Avie : "Kailangan na nating matulog kasi maaga pa tayo bukas"
Ejay : "Good night Avie"

Iniisip ko ang mga sinabi ko kay Ejay. Kung alam niya lang sana na siya ang taong gusto kong makasama. Pero natatakot ako na baka kung sabihin ko sa kanya ang totoo ay balewalain niya itong nararamdaman ko para sa kanya.

Maagang nagising ang lahat naghahanda para sa panibagong activities. Kay ganda na agad ng araw ko ng makita ko si Ejay na nakangiti. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ng puso ko.

Jea : "Kumustang gising mo Avie?"
Avie : "Okay lang"
Jea : "Iba ang ngiti mo ngayon ngiti ng in love"
Avie : "Anong in love ang pinagsasabi mo?"
Jea : "Huwag ka ng mag deny babae din ako kaya alam ko kung paano ma in love ang mga gaya natin."
Avie : "Wala rin naman akong pag asa sa kanya"
Jea : "Hindi mo malalaman ang sagot kapag hindi mo ipinagtapat ang nararamdaman mo"
Avie : "Paano kung masasaktan lang pala ako?"
Jea : "Atleast nasabi mo sa kanya"

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon