KAPAG UMIBIG ANG PUSO
AVIE'S POV
Lahat ng bagay sa mundo ay may kanya kanyang kadahilanan. Lalong lalo na kung ito ay tungkol sa pag - ibig. Dahil kapag umiibig ka dapat handa kang masaktan, handa kang ibigay ang lahat. Ngunit bakit ba tayo nasasaktan? Dahil ba nagmahal tayo? Bakit pa tayo nagmahal kung alam naman nating masasaktan lang tayo? Tandaan natin na lahat ng nagmamahal nasasaktan. Hindi natin ito maiiwasan na masasaktan at masasaktan talaga tayo.
Mahirap talagang mag adjust sa buhay. Ako si Avie isang first year high school student. Labing apat na taong gulang. Nakatira kami sa Davao doon ako nakapagtapos ng elementary pero lumipat kami dito sa Cagayan dahil nandito ang bagong negosyo ng pamilya ko. Ayaw kong sumama nung una pero wala rin naman akong magagawa kung di sumunod na lamang sa gusto ng mga magulang ko. Agad nila akong pina enroll sa papasukan kong paaralan.
First day ng klase sa high school. Maingay ang paligid pero tahimik lang ako sa isang sulok ng aming silid. Maya maya ay may biglang lumapit sa akin para makipagkaibigan sina Kia, Mia and Elly. Ngayon lang din sila nagkakilala at nag umpisang maging magkaibigan. Simula noon ay sila na ang parati kong kasama. Madalas kaming nag-uusap kinikilala namin ang bawat isa.
Lunch time pauwi ako sa amin naglalakad ako sa pathway ng aming school. May nakasalubong ako na isang lalaki na maputi, matangkad at gwapo. Tinititigan ko siyang mabuti ng bigla niya akong nahuling nakatingin ako sa kanya. Dumaan siya sa tabi ko at ngumiti siya sa akin. Bigla naman akong kinabahan hindi ko alam ang gagawin ko. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.
Kia : "Umuwi ka ba kanina?"
Avie : "Oo, ayaw ko kasing magbaon"Naglakad kami ng mga kaibigan ko papuntang room ng bigla akong may narinig na isang malakas na sigaw sa likod namin. Lumingon ako sa likod at nakita ko na naman siya yung lalaki na nakasalubong ko. Nalaman ko ang kanyang pangalan dahil sa classmate niya na tumawag sa kanya. Narinig ko ang kanilang usapan.
Vince : "Ejay, ngayon lang kita ulit nakita"
Ejay : "Lumipat ka kasi nung elementary"
Vince : "Mabuti na lang at classmate tayo"Hindi siya naalis sa isip ko hanggang sa makapasok kami sa room. Nalaman ko na Ejay pala ang pangalan niya at magkatabi pala ang section namin. Bigla akong napangiti napansin naman ako ng aking mga kaibigan.
Mia : "Nakita mo lang yung lalaki kanina kinilig ka na agad"
Avie : "Hindi naman ako kinikilig sa kanya"
Kia : "Kunwari ka pa. Bakit mo siya tinititigan? "
Elly : "Kasi nga crush niya yong lalaking gwapo"
Avie : "Bawal bang tumingin sa kanya?"
Mia : "Pwede! crush mo ba siya?"
Avie : "Hindi ko alam"
Elly : "Ibig sabihin meron nga kasi hindi mo alam ang isasagot mo"
Mia : "Tumahimik na kayo andiyan na si ma'am"Nakatingin ako sa pintuan sa aming room ng biglang dumaan si Ejay. Pinakinggan ko ang malakas na pagkabog ng aking puso. Tinamaan na ba ako sa kanya? Hindi ko alam ang sagot. Napansin ko na tinitingnan na pala ako ng mga kaibigan ko.
Mia : "Huwag ka ng mag deny"
Elly : "Halata kaya sa titig mo pa lang sa kanya"
Avie : "Aaminin ko na gwapo talaga siya"
Kia : "Sabihin mo na kasi para ma supportahan ka namin diyan"
Avie : "Na love at first sight ako sa kanya"
Mia : "Finally, umamin ka din Avie"Uwian na sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko. Dumaan kami sa room nila Ejay tapos na rin silang magklase. Huminto ang mga kaibigan ko kaya huminto na rin ako. Biglang lumabas sa pintuan si Ejay nakangiti habang kasama niya si Vince. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Dumaan si Ejay sa harapan ko kaya nilakasan ko na ang loob ko at tinawag ko siya. Bigla naman siyang lumingon sa akin. Ang mga kaibigan ko ay nakatingin lahat sa akin.
Avie : "Ejay!"
Ejay : "Bakit?"
Avie : "Hi!"
Kia : "Pwedeng makipag kaibigan sayo?"
Ejay : "Pwede naman"
Vince : "Mauna na kami may pupuntahan pa kasi kami ni Ejay"Ngumiti ako kay Ejay kakamayan ko na sana siya ng bigla siyang tumalikod at nagpatuloy maglakad. Wala akong magawa kaya pinangako ko na balang araw magiging magkaibigan kami.
Elly : "Ano bang iniisip mo?"
Mia : "Okay na sana pero medyo masungit lang"
Kia : "Gwapo kasi kaya ganyan"
Elly : "Ano ng balak mo ngayon?"
Avie : "Gusto ko siyang maging kaibigan"
Mia : "Para ba mapalapit ka sa kanya?"
Avie : "Oo, para mas lalo ko siyang makilala"
Kia : "Kung iyan ang gusto mo tutulungan ka namin na mapalapit sa kanya"
Avie : "Talaga? Salamat sa inyo aasahan ko iyan"Unang araw pa lang ng pasukan may mga bago na akong kaibigan na nakilala. Higit sa lahat may nakilala akong lalaki crush ko na siya agad. Kaya isinulat ko sa diary notebook ko ang mga nangyari sa akin sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomansaAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...