Chapter 24

530 41 0
                                    

KAPAG UMIBIG ANG PUSO

Valentines week nasa booth ako ng organization. Dumating ang mga kaibigan ko niyaya nila akong manuod ng basketball. Sinamahan ko sila palakad na kami ng pathway hindi ko namalayan na may kasalubong ako. Kaya naman nagkabangga kaming dalawa. Nahulog at nabasag ang dala niyang flower base. Ngayon ko lang na tandaan na si Rio pala ang taong nakabangga ko.

Avie : "Bakit wala ka kahapon?"
Rio : "Nag try out kasi kami ng basketball"
Avie : "Rio? Sorry!"
Rio : "Bakit ka nag sorry?"
Avie : "Naaalala ko na ikaw iyong nakabangga ko dahil sa akin nahulog ang flower base"
Rio: "Muntik na akong mapagalitan ng teacher ko mabuti na lang at gumawa ako ng paraan"
Avie : "Paano ba ako makakabawi sa nagawa kong kasalanan sayo?"
Rio : "Pag iisapan ko muna"

Matagal na rin akong hindi nakakapasok sa library. Kaya naisipan ko na pumunta may assignment kasi kami. Habang kumukuha ako ng libro ay bigla kong naalala si Ejay. Madalas akong pumupunta ng library dahil sa nakikita ko siya na nag aaral dito. Nakita ko si Vince at Nicko na papalapit sa akin.

Vince : "Kumusta ka na?"
Avie : "Okay lang kayo kumusta?"
Vince : "Masaya kaming nakita ka"
Nicko : "Balita namin classmate mo si Ejay"
Vince : "Magka seatmate din silang dalawa"
Avie : "Nahihiya pa rin ako sa nangyari sa aming dalawa kung pwede lang lumipat ng section gagawin ko"
Vince : "Kalimutan nyo na ang mga nangyari at mag umpisa na kayo muli"
Nicko : "Sayang naman ang nabuo ninyong pagkakaibigan ni Ejay"

Tumahimik ako bigla ng nakita ko si Ejay nakatitig siya sa akin. Para hindi na siya magalit pa sa akin ako na ang iiwas sa kanya. Kaya pagkatapos gumawa ng assignment ay lumabas na ako ng library kasama ang mga kaibigan ko.

Mia : "Avie? Mahal mo pa rin ba si Ejay?"
Avie : "Hindi ko alam"
Kia : "Ano bang sinasabi ng puso mo?"
Avie : "Hindi naman kasi ganoon kadali ang lahat. Alam niyo kung gaano ko siya ka mahal"
Elly : "Umiibig ka na talaga Avie"
Mia : "Kung ano man ang gagawin mo? andito lang kami para sayo"

Kinukilit na naman ako ni Rio gusto niyang magpasama sa akin sa canteen nagugutom na siya. Kaya sinamahan ko siya wala pa naman ang subject teacher namin. Bumili siya ng biscuit at softdrinks. Naaalala ko na pinapadalhan ko dati si Ejay ng cookies at natutuwa ako sa tuwing natatanggap niya.

Rio : "Bakit ka nakatulala?"
Avie : "May iniisip lang ako"
Rio : "Sino ba ang iniisip mo?"
Avie : "Huwag mo ng intindihin iyon"
Rio : "Kunin mo libre ko sayo"
Avie : "Salamat talaga Rio"
Rio : "Walang anuman Avie"

Nagkaroon kami ng quiz masaya ako dahil mataas ang scores na nakuha ko. Nakakasagot na rin ako sa mga oral recitations. Naaalala ko na naman sa science class namin pinatayo ako ng teacher kasi hindi ako nakasagot. Nahihiya ako sa sarili ko kasi nakita ako Ejay.

Jea : "You look so happy"
Avie : "Bawal bang maging masaya?"
Jea : "I'm so happy for you"
Avie : "Bakit naman Jea?"
Jea : "Dahil tanggap mo na"
Avie : "Salamat!"

Kahit ako ay nalilito na rin bakit ko parating naaalala si Ejay sa lahat ng bagay? Ayaw ko na siyang isipin kung tutuusin ako lang naman ang nagmamahal sa kanya. Hindi niya ako mahal kaya bakit ko pa siya pag aaksayahan ng panahon?

Rio : "Hindi ka pa ba uuwi?"
Avie : "Mamaya na kasi may tatapusin pa akong gawin bakit mo na tanong?"
Rio : "Kasabay mo ba sa pag uwi ang mga kaibigan mo?"
Avie : "Minsan lang"
Rio : "Pwede bang sabay tayong umuwi?"
Avie : "Okay sige ikaw bahala"

Nagkasabay kaming umuwi ni Rio pero nag snack muna kami. Mahilig si Rio sa burger kaya naman doon niya ako naisipang dalhin. Hindi ko akalain na nandoon din si Ejay kasama si Vince at Nicko. Gusto kong umalis pero mahahalata ni Rio.

Vince : "Avie? Sino iyang kasama mo?"
Avie : "Classmate ko si Rio"
Rio : "Nice to meet you"
Nicko : "I'm his friend so classmate din kayo ni Ejay it means magkakilala na kayo?"
Ejay : "Oo naman! Dito na kayo umupo"
Rio : "Okay lang ba sa inyo?"
Vince : "Oo naman maupo kayo"

Nagkasama kami sa table kinakausap ni Vince at Nicko si Rio. Tamihik lang kaming dalawa ni Ejay naiilang akong makipag usap sa kanya. Pero ayaw kong magpahalata na affected pa rin ako. Niyaya nila si Rio na mag basketball pumayag naman siya agad.

Nicko : "Ejay? Sumama ka sa amin"
Ejay : "Sure! Next week tayo maglaro"
Vince : "Makakalaro ka na rin namin Rio"
Rio : "Sumama ka Avie"
Avie : "Sige! Walang problema"

Ang dami nilang pinag usapan sa tingin ko makakasundo nila si Rio. Pagkatapos kumain ay umuwi na kami magkasamang umuwi si Vince at Nicko habang kasama ko na naghihintay ng masasakyan si Rio at Ejay.

Rio : "Hindi ko akalaing magiging kaibigan kita Ejay kasi sobrang tahimik mo"
Ejay : "Ganyan lang talaga ako pag oras na ng klase focus kasi ako sa academics"
Rio : "That's good by the way mauna na ako sa inyo. May sasakyan na kasi papunta sa amin"
Avie : "Sige! Mag iingat ka Rio"

Kapag Umibig Ang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon