KAPAG UMIBIG ANG PUSO
EJAY'S POV
Ang daming tanong sa aking isipan na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Kaya nagdesisyon ako na imbitahan sila mag dinner. Dinala ko ang mga letter na bigay sa akin ni Avie. Habang kumakain silang lahat ay palihim kong tinitingnan si Avie. Hindi ko balak ang makasakit ng damdamin ng iba kaya inunahan ko na sila.
Nicko : "Ejay! Ano bang nangyayari sayo?"
Ejay : "Narinig mo naman lahat ng sinabi ko sa dinner? Lahat iyon totoo pinaniwala nila ako"
Jaypee : "May dahilan sila kaya ni lihim nila sayo ang totoo"
Ejay : "May dahilan din ako para magalit sa kanila. Wala kayo sa kondisyon ko kaya hindi niyo alam ang pakiramdam ng pinaglilihiman"Hindi ko na alam ang gagawin nalilito na ako. Gusto kong mapag isa kaya iniwasan ko muna ang mga kaibigan ko. Hanggang sa pumunta sa bahay namin si Jea para magpaliwanag pinakinggan ko ang kanyang paliwanag.
Jea : "I'm sorry Ejay! Kailan mo ba kami papansinin. Alam mo miss ka na namin"
Ejay : "Napatawad ko na kayo hindi pa ako handa na ibalik yung dating tiwala na nawala dahil sa paglilihim ninyo"
Jea : "Naiindihan ka namin Ejay pero hindi rin naging madali kay Avie ang lahat. Hindi niya kasalanan ang nangyari actually makikipagkita na siya sayo pero ikaw iyong hindi pumunta"Pauwi na ako ng biglang lumapit at kausapin ako ni Avie. Nararamdaman ko na sincere siya sa paghingi niya ng tawad. Pero naisip ko kapag pinatawad ko si Avie pa tuloy lang siyang aasa sa akin. Ayokong umasa si Avie na mamahalin ko siya. Kaya nilinaw ko sa kanya ang totoo kahit na masakit para sa kanya.
Nicko : "Nakita ko kayo ni Avie na nag uusap"
Ejay : "Humingi siya ng sorry sa akin pero nilinaw ko sa kanya ang totoo para hindi siya umasa"
Nicko : "Anong sabi niya sayo?"
Ejay : "Hindi siya sumagot sa akin"
Nicko : "Sa tingin ko baka nasaktan siya sa sinabi mo sa kanya"
Ejay : "Mabuti na ang masaktan siya kaysa patuloy siyang umasa sa mga bagay na hindi naman mangyayari"Valentines week marami kaming ginagawa sa organization. Ginawa ko ang trabaho ko na mag isa. Nakikita ko na masaya si Avie tanggap na siguro niya ang sinabi ko. Kaya pumunta ako sa office para magpahinga. Paalis na sana ako ng biglang dumating si Avie sa office may dala siyang gift sa akin. Pagkatapos ng aming pag uusap ay umalis siya kaya binuksan ko ang bigay niyang gift.
Naiwan ko ang gamit ko sa office dahil pumunta muna ako classroom. Pagkabalik para kunin ang gamit napansin ko na nawala ang bigay ni Avie na gift na cross stitch. Hinanap ko ito sa office pero hindi ko makita.
Ejay : "Carl? May nakita ka bang cross stitch?"
Carl : "Wala! Rel baka nakita mo ang hinahap ni Ejay kasi ikaw iyong naglinis kanina sa office"
Rel : "May napansin ako na cross stitch sayo pala iyon Ejay? Sorry natapon ko sa basurahan. Nakakalat kasi sa daan akala ko basura"Pumunta ako sa basurahan pero hindi ko na ito makita. Hinahap ko ulit sa office pero hindi ko na nakita ang cross stitch. Magagalit sa akin si Avie kapag nalaman niya na nawala ko ang bigay niya.
Nalulungkot din ako pero wala akong magawa nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Jea.Jea : "Sumusobra ka na talaga Ejay hindi na tama ang mga ginagawa mo kay Avie"
Ejay : "Sinasabi ko lang naman sa kanya ang totoo para hindi na siya umasa"
Jea : "Sa tingin mo tama ang ginawa mo? Huwag mo ng saktan ulit si Avie"
Ejay : "Bakit kasalanan ko ba kung mahal niya ako? Gusto ko rin maging kaibigan si Avie pero hanggang doon lang"Umalis ako para hindi na lumaki ang gulo. Iniisip ko kung ano ba ang pwede kong gawin para wala ng masaktan pang iba. Kinausap ako ni Nicko at Jaypee tungkol kay Avie. Panahon na para magkausap kami ni Avie para maging maayos na ang lahat.
Nicko : "Kakausapin mo ba si Avie"
Ejay : "Sabihin mo pumapayag ako magkita kami sa may plaza"
Jaypee : "Kung ano man ang magiging kahinatnan ng pag uusap ninyo andito lang kami para sa iyo Ejay"
Ejay : "Salamat! Sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat"Pumunta ako sa plaza nakita ko si Avie na papaalis na mabuti na lamang at naabutan ko siya. Nilakasan ko na ang loob ko na sabihin sa kanya ang naging desisyon ko. Alam ko na masakit ito para kay Avie pero para din ito sa ikabubuti niya. Ayaw ko na mas lumalim pa ang pagmamahal niya sa akin. Hindi ko ito kayang suklian ng higit pa sa pagmamahal na binigay niya.
Niyakap ko si Avie pagkatapos ay umalis ako. Kakalimutan ko na si Avie at kung sakaling magkita man kami ay hindi ko na siya kilala. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga requirements sa school hanggang sa natapos na rin ang school year. Sa wakas ay nagiging maayos na rin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Kapag Umibig Ang Puso
RomanceAno ang kaya mong gawin kapag umibig ang puso? Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kapag nagmahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang la...